Nalalapit na ang laban ni Senator Manny Pacquiao sa boksingerong si Errol Spence Jr. Ito ay gaganapin sa Amerika ngayong darating na August 21, 2021. Sa ngayon ay puspusan na ang mga huling parte ng training ng boxing champ.
Ngunit bago pa man ang laban ni Manny ay nauna na ang kanyang pamilya sa nasabing bansa upang doon ay makapamasyal muna at makapag bonding sa isa't isa. Kasama ng may bahay ni Manny na si Jinkee ang lahat ng kanilang mga anak, kapatid, bayaw at pamangkin.
Makikita sa mga larawan na sobrang enjoy na enjoy sila sa pamamasyal sa ibat't ibang lugar sa Amerika. Nariyang nagpunta sila sa Griffith Park sa Hollywood, Beverly Hills at iba pa.
Dahil nasa Amerika narin lang ang kanilang pamilya, sinamantala narin ni Jinkee ang pagsho-shopping. Kilala si Jinkee na mahilig sa mga mamahalin o signature na mga gamit tulad Hermes, Louis Vuitton, Gucci at marami pang iba. Kung kaya't habang naghihintay sa nalalapit na laban ng kanyang asawa naisipan narin nilang mamasyal at mag shopping.
Nito lamang ay may post ang showbiz insider na si Jobert Sucaldito. Ito ay tungkol sa pagsho-shopping nila Jinkee at ng buong pamilya nito sa Amerika. Ayon sa post ni Sucaldito, ipinasara umano ni Jinkee ang isang mall sa Amerika dahil mamimili silang mag-anak.
Dagdag pa ng showbiz insider, hindi pa umano presidente si Manny ngunit ganito na ang kayang gawin ni Jinkee.
Marami rin ang nagulat ng sinabi pa nito may mga pinagkakautangan ang pamilya nila Jinkee at tumaas ang mga kilay nito dahil sa ginawa di umano ng misis ng boxing champ.
Narito ang kabuuan ng post ni Jobert.
"Nakakaloka si Jinky Pacquiao - ipinasara raw ang isang mall sa California dahil magsa-shopping silang mag-anak. Di pa presidente si Manny niyan ha, what more? Nagtaasan daw mga kilay ng pinagkakautangan nila. Hahaha!"
Wala namang kumpirmasyon mula sa kampo nila Jinkee Pacquiao kung ginawa nga nila ang bagay na ito o hindi.
Kaagad naman itong umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
Source: The Philippine Times