Matapos ang kanilang kontrobersyal an hiwalayan noon, kamakailan lang ay nagkaayos na sila Toni at Rob. Nagkita ang dalawa para sa kanilang alagang aso.
Ang video ng muling pagkikita ng dalawa ay ibinahagi ni Rob sa kanilang vlog.
Simula ng pagkikita nilang iyon ay unti unti ng nanumbalik ang pagkakambutihan ng dating mag live-in partner.
Tila ba ayaw ng palampasin ni Rob ang pagkakataong ito at nais muli niyang suyuin at mapasakanya ang dating partner.
Sa isang post ni Rob sa kanyang Instagram account, nagpahayag siya kung gaano na niya namimiss si Toni at ang anka nitong si Tyronia.
Mahigit tatlong taon narin nagsasama sila Toni at Rob bago sila maghiwalay kung kaya't labis na napamahal na sa kanya si Tyronia. Bukod pa rito si Rob na talaga ang tumayong tunay na ama ng bata.
Kaya naman sa latest vlog ni Rob, pinagsumikapan niyang mapalapit muli sa mag ina.
Sa nasabig vlog, kasama ni Rob si Toni na kunin ang kanilang alagang aso sa beterinaryo.
Sa kalagitnaan ng vlog ay sinorpresa ni Rob si Toni ng isang regalo para sa kaarawan nito.
Ibinigay niya ang kanyang biniling mamahaling alahas kay Toni na sya pa mismo ang nagsuot dito. Maging ang anak nitong si Tyronia ay binigyan rin niya ng alahas na personal na iniabot ng kanyang ina pag uwi ng bahay.
Mapapansin sa video na tila naguluhan si Tyronia ng malaman niyang binigyan sila ng regalo ng dati niyang ama-amahan. Marami rin ang nakapansin na parang nag aalangan ang bata na tawaging daddy muli si Rob.
Ngunit sa huli ay pinasalamatan parin ng dalawa si Rob sa regalong kanilang natanggap.
Narito ang ilan sa reaksyon ng mga netizen na tila hindi natuwa sa pagkakamabutihan ng dalawa.
Narito ang kabuuan ng kanilang video.
Source: The Philippine Times