Thursday, July 29, 2021

Toni Fowler, nagpasikip matapos ang hiwalayan nila ni Rob Moya.

0

Nitong mga nakaraang buwan lamang ay naging usap-usapan ang hiwalayan ng isa mga online couple na sina Toni Fowler and Rob Moya.


Noong una ay ayaw pang sabihin ni Toni Fowler kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ngunit dahil na rin sa mga taong nagtatanong at sa tulong ng mga kaibigan ni Toni, naibunyag na rin ang naging dahilan ng kailang hiwalayan.

Sinasabing may mga kinuhang pera si Rob kay Toni ito ay perang ipon sana ni Toni para sa anak na si Tyronia. Hindi bababa sa tatlong milyon ang perang nakuha ni Rob ng walang pahintulot ni Toni.

Ayon sa kaibigan ni Toni na nagsalita, tatlong milyon ang pera sa bank account ni Tyronia na ipinagkatiwala nito kay Rob Moya ngunit laking gulat na lamang ni Toni nung i-check nya na P200,000 na lamang ang natitirang pera na para sana sa kinabukasan ng anak.


May mga sasakyan pa umanong kinuha ang dating partner ni Toni na ipinaubaya na lamang niya rito. At ito ang pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan.

Marami pang lumabas na isyu sa dalawa nariyang napunta pa sila kay Raffy Tulfo upang doon ayusin ang mga bagay-bagay. Ngunit sa huli mas pinili ni Toni na maging isang single mother at ipagpatuloy ang kanyang buhay at pag va-vlog ng mag-isa kasama ang mga kaibigan at anak.

Matapos ito ay napabalita naman ang pagkakamabutihan ni Toni at ng kanyang kaibigan na si Tito Vince.

Maraming mag netizens ang talaga namang kinilig at natuwa sa kanilang tambahalan. Dito na nagsimula ang pag move on at pagiging masaya muli ni Toni.

Noong nakaraang linggo lamang habang nagdiriwang ng karaawan ni Toni ay tinanong ni Tito Vince kung maari ba siyang manligaw kay Toni at walang pag aatubiling pumayag naman ito.

Dahil narin sa pagiging masaya at pagiging open minded ni Toni Fowler ay naisipan nya muling ayusin ang kanyang sarili. Kilala si Toni na marami ring ipinaayos sa katawan upang mas lumabas ang kanyang self confidence. Nariyang pinaayos nya ang kanyang ngipin, pinadagdagan ang kanyang dibdib at balakang pati narin ag kanyang ilong.


Nito lamang ay naging usap-usapan ang pagpapasikip ni Toni ng kanyang pribadong parte ng katawan. Sa huling Vlog na kanyang inilabas ay matapang na ipinakita at inihayag ni Toni ang nais niyang mangyari sa kanyang katawan.

Sumailalim si Toni sa proseso na tinatawag na Thermiva, kung saan ay pasisikipin at paliliitin muli ang butas ng pribadong parte ng isang babae. Ginagawa ito upang mapanataling bata at hindi kulubot ang balat ng isang taong sasailalim sa ganitong proseso.


Kasama ni Toni ang kanyang kapatid na si Marie noong ipinagawa nya ito

"P*ta ang luwang! Sobrang luwang kailangang kailangan na talaga" Saad ng ate ni Toni.

"Ang kapal ng mukha mo" natatawang sagot ni Toni.

Sinabi pa ni Toni na kaya nya ginagawa ang bagay na ito ay dahil "anti-aging" ito ng kanyang pribadong parte.

"Ang dahilan kung bakit ako nagpapaganto dahil anti-aging ng p*pe. Anti-laylay"

Sa huli ay nagbigay ng advise si Toni sa mga gustong gawin ang prosesong ito ay mas maganda umanong may kasama ka upang hindi maramdaman ang sakit ng proseso.


Narito ang kabuuan ng vlog niya.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment