Tuesday, February 16, 2021

Taal Volcano, muling nag-alburoto, mga kawawang residente pinalikas dahil sa abnormal na aktibidad ng bulkan

0

Iniutos ng pamahalaang bayan ng Batangas ang pag-evacuate ng mga residente ng Taal Volcao Island dahil sa napapadalas na pagyanig nito.


Ang NDRRMC ang nagbabala sa probinsya upang lisanin ang Taal Volcano Island.


Sinabi ng The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa isang paalala bandang 3:30 ng hapon araw ng Lunes February 15, 2020 na nakakita umano sila ng mga pagbabago sa bulkan.


Sinabsabing mayroong limampung (50) na naitalang pagyanig simula alas 5 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon nitong Lunes lamang.

Noong alas 8 ng umaga, sinabi ng Philvocs na ang Taal Volcano ay nasa alert level 1 at sinasabing hindi normal ang kondisyon.

“These tremor episodes ranged in duration from 2 to 5 minutes and occurred at shallow depths of less than 1 kilometer, signaling increased hydrothermal activity beneath Taal Volcano Island,” Saad ng Philvocs.


Simula umano noong Sabado ay nakapagtala ng animnaput walong mahihinang pagyanig sa Taal Volcano Island.
Bukod sa mga pagyanig na naitala. Sinabi rin ng Philvocs na nakapagtala rin sila ng “increase in acidity and temperature” sa Main Crater Lake.

Nagbabala ang ahensya na “there are increased possibilities of sudden steam-driven."

Sinabi pa ng Philvocs na, "especially the vicinities of the Main Crater Lake and the Daang Kastila fissure, must remain strictly prohibited.”'


Kung kaya't ang mga resisdente ng Batangas ay napilitang mag mag-evacuate.

Pinayuhan rin ang lokal na pamahalaan na bisitahin ang mga lugar na nilisan na ng mga tao maging ang mga daan upang makita ang mga pinsalang iniwan ng naturang pagyanig. Upang makapaghanda umano sa mga hindi inaasahang mangyayari sa bulkan.


Maaga ang ginagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Batangas dahil ayaw na umano nitong maulit ang nangyari noong nakaraang taon. 


Pinayuhan narin ang ating mag kababayan na maging alerto sa kung ano man ang maaring mangyari at sinabing mas mag ingat.


Narito naman ang reaksyon ng mga tao sa social media.






Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment