Tuesday, February 16, 2021

Gumanap na pari sa video ng "Paubaya" may nakakaiyak na kwento tungkol kina Joshua at Julia habang ginagawa nila ang music video!

0


 
Inilabas na ang opisyal na music video ng orihinal na ni Moira Dela Torre nitong nqkaraang araw ng Linggo February 14, 2021.

Marami ang nagdiriwang ng Valentines Day ng araw na ilabas nila ang nasabing music video at tila marami ang talaga namang tinamaan dito.

Unang inilabas ang lyric video ng kantang Paubaya bago matapos ang taong 2020 bago niya ilabas ang trending na music video ngayong 2021. Ang lyric video na ito ay umani ng 3.5 million video sa Youtube matapos itong ipost tatlong buwan na ang nakararaan.

Umani nanaman ang atensyon at maraming views ang kantang ito ni Moira dahil narin sa ganda at tagos sa pusong music video na ipinakita nila. Dagdg pa riyan ang hindi matatawarang pag ganap ng dating magkasintahan at magka-loveteam na sila Joshua Garcia at Julia Barretto na nagbigay ng karagdagang sakit sa kanta.


Masasabi natin talaga magaling si Moira sa pagpapaiyak at pagpapasakit sa ating mga puso sa pamamagitan ng kanyang mga kanta. At sa puntong ito, nagtagumpay nanaman ang singer.


Kinuha nila at dating magkasintahang  sina Joshua at Julia para gumanap sa mga karakter sa kanyang kanta. Sa kalagitnaan ng video nagkaroon ang dalawa ng madamdaming pag uusap.


Tila ba totoong nanggagaling sa kanilang mga puso ang ang bawat salitang sinasabi nila dahil sobrang makatotohanan ang mga ito.

Humingi sila ng tawad sa isa't isa at madamdaming mensahe ng pagpapaalam. Nagusap sila kung bakit nagbago ang kanilang pagmamahal sa isa't isa at inamin ang kanilang mga kakulangan sa kanilang relasyon.


Marami sa tagahanga ni Moira na nakanood ng music video ang nagbigay na ng kanilang reaksyon tungkol sa video. Kagaya ng dati, punong puno nanaman ng personal na mensahe at karanasan ang comment section ng video.

Ngunit may isang komento ang talaga namang pumukaw sa atensyon ng lahat. Ito ay mula sa isang lalaki na gumanap na pari sa music video ng JoshLia.


Ang lalaking ito ay nagngangalang Donald Lapez na sinabing ang scene na iyon ay ang closure di umano ng dating magkkasintahan. Sinabi rin ni Donald na sinabihan raw silang lumabas lahat ng cast sa simbahan kung saan nagtetaping ng music video.


Tanging sila Joshua, Julia, Moira at Direktor at cameraman lamang ang nasa loob ng simbahan. Upang mabigyan umano ng pagkakataon ang dalawa na masabi sa isa't isa ang mga bagay na hindi nila nasabi noon simula ng sila ay maghiwalay.





Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment