Viral ngayon sa social media ang post ni KL Nebriaga tungkol sa matalik niyang kaibigan na si Jeaneth Salis. Dahil imbis kasi na magandang alaala tungkol sa pagkakaibigan nilang dalawa ang laman ng post, tungkol ito sa magiging stepmom niya at walang iba kundi ang kanyang bestfriend mismo!
Maraming netizen ang nag-bahagi at nag-react sa post ni Nebriaga. Karamihan sa mga taong ito ay nagpakita ng pagkayamot at galit kay Jeaneth dahil sa ginawa niyang ito sa kanyang bestfriend.

Ikinagulat raw kasi ni KL Nebriaga na ang taong dapat kaagapay niya sa lahat ng bagay ay ang magiging madrasta niya na. Magandang bagay ito ngunit para sa sitwasyon ni KL, hindi ito naging mabuti.

Pinost niya sa social media ang kanilang conversation kung saan nagmamatapang pa di umano itong si Jeaneth, dahilan para masira ang pagkakaibigan nila at ang pamilya ni KL.
Narito ang kaniyang post.
"bestfriend ko noon, step mom ko na ngayon.😂 magkakaron pa ko ng kapatid sayo ah😊 guys, siya pa matapang!😂"


Narito naman ang mga comment ng ilang netizens sa post ni KL.













Source: The Philippine Times