Matapos maulila ang mga magulang ng flight attendant na si Christine Dacera ay hindi na nito napigilang humingi ng hustisya para sa anak. Kumunsulta ang pamilya Dacera sa isang 'psychic' upang matukoy umano nila ang dahilan ng kontrobersyal na pagkawala nito.
Nakipagugnayan umano ang ina ng nawalang flight attendant sa isang 'psychic' upang makipagusap sa kanyang anak at tanungin ng mga bagay bagay na gumugulo parin sa kanilang pamilya hanggang sa ngayon. Aniya itinanong nila ang eksaktong nanyari noon araw ng kanyang pagkawala.
Iginigiit ng ina ni Christin na may 'f0ul play' umano sa sa pagkawala ng kanyang anak. Upang lumabas ang katotohanan ay hindi umano sila titigil makuha ang ang katarungan at para malaman ang katotohanan.
Marami parin ang nagugulat sa reaksyon ni Ginang Dacera dahil sa kabila ng resulta ng medico legal na 'natural causes' ang dahilan ng pagkawala ng anak ay hindi parin ito matahimik. Mariing din ang pagtanggi ng mga kaibigan ni Christine sa nangyari.
“Ang akin lang naman po, sana makonsensiya sila na magsabi ng totoo. Sabi nila, mahal nila si Tin, e, bakit nagkaroon ng mga galos, yung mga bruises yung anak ko? Sa’n yun galing, e, kayo lang magkakasama, e?” Pahayag ni Sharon sa programa ni Luchi Cruz-Valdes sa TV5 na “Deretsahan”.
Ngunit sinabi sa kanya ng host na si Luchi na hindi maaring tanggapin ng korte ang mga sinabi sa kanila ng 'psychic' dahil wala itong "evidentiary value"
Sumagot naman si Sharon na, "Siyempre we are looking for, yung tinatawag natin na lahat ng paraan na ginawa ng isang nanay kung ano ba talaga ang nangyari sa anak niya."
“So, paulit-ulit talaga na nagsasabi si Tin na she was really betrayed by a friend,” pahayag pa ng ginang.
Sa ngayong ay naghihintay parin ng DNA test results ang pamilya Dacera upang malaman pa kung may mga ebidensya na maaring magamit pa at magpapatunay na may f0ul play ngang nangyari.
Bukod pa rito, nanghihintay rin sila ng sa resulta ng hiwalay na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa pagkawala ng dalaga.
Naghihintay rin ang pamilya ng mga respondents sa kas0 ang desisyon ng Makati City Prosecutor’s Office kung iaakyat ba ito sa husgado o tuluyan nabang ibabasura ang reklamo.
“Ako, wini-wish ko na lang na hindi rin mangyari sa kanila yung nangyari sa anak ko kasi masakit, sobrang sakit.” Pahayag ni Sharon sa mga taong humuhusga umano sa kanilang pamilya.
Marami umanong natutunan si Mrs. Dacera sa nangyari, “Siguro we always love our children. We are always doing the best for our children."
“So, sa pagkawala ni Christine, I feel the injustice to what had happened to her. So ngayon, kahit sa anong paraan, ipaglalaban ko ang anak ko."
“Anak ko si Christine, mahal namin si Christine. I’m proud of my daughter. We are proud of her. Nabiktima lang ang anak ko,”
Source: The Philippine Times












