Bilang isang ina, ang pagkawala ng isang anak ang isa sa pinakamasakit na maaring mangyari sa ating buhay lalong lalo na kung mangyayari lamang ito sa isang iglap at naroon ka lang sa kanyang tabi ng ito ay mangyari.
Anim na buwan bago ang ikalawang kaarawan ni baby Alonzo, ang kanyang inang si Angelica De Leon - Panagniban ay hinalikan pa ang bata sa kanyang noo bago ito iwan upang makatulog ng maayos.
January 14, 2021, normala na araw lamang na angsimula ito para kay mommy Angelica. Gumisig siya ng alas sais ng umaga at sumunod narin kaagad ang kanyang 18-buwan gulang na anak na si Alonzo. “I gave him a bottle of his milk and let him watch Blippi,” Saad ni Angelica sa kanyang Facebook post.
Dahil mahimbing ang tulog ng kanyang anak lumabas umano siya saglit ng kwarto at pumunta ng kusina upang magluto ng kanilang pananghalian.
Matapos ang isang oras bumalik si Angelica ng kanilang kwarto upang mahiga sa tabi ng kanyang anak. Dito na niya napansin na punong puno ng pawis ang unan nito.
“I checked on him and that’s the time that I saw his lips [are] already purple-ish. I tapped his cheeks and shouting for him to wake up, but when I held his hand, it’s already cold. I did a mouth-to-mouth resuscitation, but I can no longer hear his heartbeat,” Saad ni Angelica.
Kaagad na itinakbo sa pinaka malapit na ospital si baby Alonzo. Sinubukan pang itong isaba ng mga doktor ngunit idineklarang wala na siya bandang alas dos (2pm) ng hapon.
Sinabi ni Angelica na nawala ang kanyang ikalawang anak dahil hindi ito nakahinga at dahil sa tinatawag na SIDS (Sudden Infant De4th Syndrome). Ang unang anak naman ni Angelica ay nawala dahil isa iotng premature baby at nabuhay lamang ito ng labing apat na araw.
Umaasa si Angelica na mula sa kanyang karanasan ay maraming magulang ang mas lalo pa sanang sulitin ang mga oras na mayoon sila sa kanilang mga anak.
Source: The Philippine Times









