Wednesday, February 17, 2021

Gerald Anderson, sinagot nga ba si Julia Barretto tungkol sa mga linya nito sa 'Paubaya' music video?

0

Sinagot nga ba ni Gerald Anderson ang linya ni Julia Barretto sa opisyal na music video ng 'Paubaya'?


Si Julia ang napapabalitang bagong nobya ni Gerald Anderson simula ng mapabalita ang hiwalayang Bea at Gerald. Ngunit hanggang sa ngayon ay patuloy parin ang pagtanggi ng dalawa na may namamagitan sa kanila.

Nagtambal nito lamang ang dating magkasintahang sila Joshua Garcia at Julia Barretto. Nagsama ang dalawa sa music video ng orihinal na kanta ni Moira Dela Torre na 'Paubaya'.

Habang marami ang nagdiriwang ng araw ng mga puso kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, inilabas ni Moira ang madamdaming music video nitong February 14, 2021.

Tila ba binago ng kanta ni Moira ang mga nararamdaman ng mga tao sa social media noong araw ng mga puso dahil sa mga matatamis at mapapait na alala na ibinalik ng kantang ito sa kanilang mga puso. Dagdag pa rito ang mga tagos pusong mga linya nina Joshua at Julia.

Sa nasabing music video, nagkaroon ang dalawa ng madamdaming pag uusap na tila ba patungkol sa kanilang pinagdaanan bilang magkasintahan. Humingi ang tawad ang dalawa sa isa't isa at nagpasalamat sa lahat.

Sinabi ni Julia sa simula na, "I'm sorry, I'm sorry Josh. I'm sorry napagod ako, I'm sorry nawala ako."

"Binigay ko sayo lahat, naubos lang ako."


Matapos maging viral ang music video, nagpost naman si Gerald Anderson ng isang cryptic message sa kanyang Instagram story na tila ba patungkol sa mg atong napapagod sa buhay.


Ayon sa kanyang post, "If you are tired, It's okay to rest. But don't quit."

Maraming taga hanga ang nagbigay ng reaksyon at sinabing patungkol ang post ng aktor sa mga linya ni Julia sa nasabing music video.

Sa ngayon ay mayroon ng 14.5 Million views ang naturang music video.

Totoo kayang para kay Julia ang mensaheng iyon ni Gerald Anderson?


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment