May mga espekulasyon na kumakalat na ang buhay ni Christine Dacera ay isasa-pelikula dahil sa kumakalat na larawang ito.
Ang pagkawala ng FA na si Christine Dacera ay talaga namang pinag usapan ng maraming tao sa social media man o sa telebisyon sa paglipat ng taon.
Hanggang ngayon, ang pamilya ng namayapang flight attendant ay humihingi parin ng hust!sya.
Lalong lalo na ang ina nito na si Sharon Dacera na labis na ipinipilit na in4bus0 umano ang kanyang anak.
Sa gitna ng imbestigasy0n at inaabangang pagsasara ng kas0 mula sa mga otoridad, matunog ang usap-usapn na ang buhay ni Christine ay isasa-pelikula.
Ayon sa isang writeups. Isang line producer na nagngangalang Dennis Evangelista ang nagpost ng larawan sa kanyang facebook account kasama si Sharon Dacera.
May mga balita rin na may isang independent film producer na gusto ring isa pelikula ang buhay ng dalaga ngunit mas pagtutuunan nito ng pansin ang kung ano ang nangyari sa araw ng kanyang pagkawala at kung saan nakita siyang wala ng buh4y sa bathtub sa isang hotel sa Makati.
Hindi pa umano sumasangayon ang ina ni Christine sa mga alok na ito. Sinabi rin ni Dennis na kung pumayag man si Mrs. Dacera sa proyekto ay hindi na nila masyadong uungkatin ang nangyari nung araw ng kanyang pagkawala.
Sa ngayon ay nakikipag negosasyon pa ang line producer sa inang si Sharon dahil marami pa umanong kinokonsidera sa pag gawa ng pelikulang ito.
Sa kabilang banda nababalitang ang Kapuso actress na si Bianca Umali ang napipisil ni Sharon Dacera na gumanap bilang Christine sa pelikula.
Sinabi nito nais nya si Bianca na gumanap bilang Christine dahil nakikita niya ang ugali at kilos ng kanyang anak rito.
Ang tanging katanungan na lamang ay kung tatanggapin nga ba ni Bianca ang proyekto.
Source: The Philippine Times














