Mayroong mensahe ang batikang aktor na si John Estrada sa mga baguhan at batang artista ngayon.
Sa isang vlog na in-uplaod ni Carmina Villaroel sa kanyng youtube channel, nagpagusapan nilang tatlo nina John Estrada at Tana Garcia ang ugali ng mga bagong artist ngayon.
Magbibida sa bagong series ng GMA ang tatlo at ito ay pinamagatang Babawiin ko ang lahat.
Tila ba iisa ang kanilang paniniwala na ang mga batang aktor at aktres ngayong panahong ito ay naiiba kumpara sa kanilang henerasyon.
Napansin nilang ang mga artists ngayon ay hindi alam kung paano rumespeto sa mga batikang artista gaya nila.
Saan ni John, “Isa sa mga kinaiinisan ko sa industriya ‘yung, hindi naman tayo nagpapa-(star), pero naiinis ako doon sa mga batang wala pa man, e, parang hindi ka man lang marunong batiin. Alam mo ‘yung mga ganu’n, di ba?”
Sumang ayon dito si Carmina at sinabing dapat daw ay nagbibigay galang ang mga baguhang artist sa mga senior artists na makakatrabaho dahil para sa kanya ito ay isang paraan ng pagrespeto.
Dahil dito ay tinanong ni Carmina si John kung naranasan na ba nitong hindi kilalanin ng mga young stars na nakatrabaho niya.
Saad naman ni Tanya na malabong hindi makilala ng mga young stars na ito ang mga senior stars na nakakasama nila.
“So bottomline, respect to everyone and all, whether you are a superstar ganyan–basta be kind! Wala naman masama if you are going to be kind.”
Narito ang kanilang buong video:Source: The Philippine Times