Thursday, December 31, 2020

Isang musmos na bata tumayong padre de pamilya pa sa magulang na may mga sakit!

0

Sabi nga nila ang pagiging bata ang isa sa pinaka maganda at pinaka masayang yugto sa buhay ng isang tao dahil narin walang problemang iniintindi ang isang bata at wala pang iniisip na responsibilidad. Ang tangi lang nilang dapat gawin ay magsaya, maglaro at mag aral.

Bilang isang bata nasa kanila halos lahat ng karapatan na dapat ibigay ng kanilang mga magulang. Ang makapagaral, magkaroon ng maayos at masayang kapaligiran, magkaroon ng maganda at maayos na tirahan makakain ng sapat sa araw araw at higit sa lahat ay maging malaya at makapaglaro at maging masaya kung kailan man nila gustuhin.

Nakakalungkot lamang isipin na sadyang hindi lahat ng mga bata ay nararanasang maging bata.

Kagaya na lamang ng isang batang ito na nagngangalang Manny na taga North Caloocan, na sa murang edad ay kinailangan ng maghanap-buhay upang buhayin ang kanyang pamilya. Nais niyang ipagamot ang pareho nyang magulang na kasalukuyang may sakit.


Ayon sa ilang balita ang ama ni Manny ay baldado na at ang ina naman niya ay may tuberculosis kung kayat sya lamang ang maring maghanap buhay sa kanilang pamilya dahil sya lamang ang aasahan ng mga ito.

Habang ganito ang sitwasyon ng kanyang pamilya at kailangan munang mag tiis ni Manny at kalimutan ang pag aaral at paglalaro upang makakain at mabuhay ang kanyang pamilya.

Kinakailangan niyang maghanap ng doble pagkakakitaan upang maging sapat ang maibibigay niya sa kanyang magulang sa araw araw. Sa umaga ay nagtitinda siya ng walis, sponge at iba pang gamit sa bahay at matiyagang binabaybay ang mga barangay sa kanilang lugar.

Pag sumapit naman ang gabi ay naglalako naman itong si Manny ng balot iniikot nya ang kanilang nayon upang maubos ito. Sa ngayon ito lang umano ang alam ni Manny upang buhayin at maitaguyod ang kanyang mga magulang.

"Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako.",ani Manny.

Nakakahanga ang ipinakitang determinasyon at pagmamahal ng batang ito sa kanyang mga magulang. Nawa'y kapulutan natin itong aral.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment