Wednesday, February 2, 2022

Vhong Navarro, binigyan ni Willie Revillame ng 1-million pesos ng mabùgbòg noon at maòspìtàl.

0

Hindi maiwasang maiyak ni Vhong Navarro sa napakalaking tulong na nagawa sa kanya noon ng TV host na si Willie Revillame.


Dahil dito ay ibinahagi  ni Cristy Fermin kung bakit ganito na lamang ang pasasalamat ng It's Showtime host kay Willie. Binati kasi ni Vhong si Willie noong kaarawan nito kamakailan lang.



Ayon kay Vhong sa kanyang pagbati, “May mga pagkakataon na nagbibigay ka ng tulong na kahit hindi hinihingi sayo at isa ako sa mga naka-experience nun. Kaya Kuya Wil, again, maraming salamat…”


Noong nabalita kasi ang påmbubùgbòg kay Vhong sa elavator kaugnay ng isang babae na pinuntahan nya sa isang condo ay si Willie ang hindi nag atubiling tumulong sa kanya.



“Si Willie po ay nagpunta kay Vhong sa ospital. Nung makita niya yung kwarto ni Vhong, nag-isip siya, anliit-liit ika niya ng kwarto ni Vhong pag nagpunta doon ang mga imbestigador, ang mga abogado at doktor,” kwento ni Cristy.



“So pinalipat niya si Vhong sa mas malaking kwarto. Tapos nung paalis na siya, nag-ipit siya ng tseke kay Vhong Navarro,” dagdag pa ng kolumnitsa.



“Umiyak si Vhong. Hulaan mo magkano yung nasa tseke? 1 million pesos.”



“Ganu’n naman si Willie kapag talagang kailangan, nagbibigay siya. Napaluha si Vhong Navarro”



Ayon pa kay Cristy hinding hindi umano nakalimot si Vhong sa magandang nagawa sa kanya ni Kuya Wil.


Kung kaya't magpasa hanggang ngayon ay ay labis parin ang pasasalamat nito sa beteranong TV host-comedian.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment