Kailan lang ay namataan ang Kapuso actress na si Kylie Padilla na may kasamang gwapong singer, kasama niya itong mag jogging.
Hindi maikakaila na naging talk of the town ang aktres dahil sa naging hiwalayan nila ng aktor na si Aljur Abrenica.
Marami ang nadawit at hinihinalang third party ng mga panahong iyon. Ngunit nilinaw ng dalawa na naghiwalay sila ng maayos at nakapag usap na pwede silang magkaroon ng relasyon sa iba.
At inilandtad na nga ni Aljur ang kanyang relasyon kay AJ Raval sa publiko. Sinabi ng aktor na nanliligawan na niya ang young actress. Wala naman umano naging kaso iyon kay Kylie at tahimik lamang ito. Ayon pa kay Kylie, nais niyang maging masaya ang kanyang estranged husband sa kanyang buhay.
Samatala, na-link naman si Kylie sa aktor na si JM De Guzman at sa isang gwapong tatoo artist.
Na agad namang pinabulaanan ng aktres ang balita at wala din lumabas na ebidensya tungkol sa akusayon sa kanya.
Ilang buwan na ang nakakalipas ay may kanya kanya ng buhay sina Aljur at Kylie.
Kung si Aljur ay nasa hotel and resort sa Leyte upang magdiwang ng Valentines day, si Kylie naman ay simple lang.
Viral ngayon online ang isang video ng aktres habang nagjo-jogging ito sa kanilang village. Makikita sa rito na may gwapong lalaki na kasama si Kylie habang tumatakbo.
Ang lalaki ay kinilalang si Joshua Camacho Bulot. Si Joshua ay isang singer at Kapuso star din na kasama ni Kylie sa isang project nya na 'Bolera'
Sa ngayon ay wala pang linaw kung ano nga ba ang namamagitan kina ni Kylie at Joshua.
Narito ang video nila Joshua at Kylie.
Source: The Philippine Times