Thursday, February 17, 2022

Angel Locsin, hindi mapigilang mapaiyak nang mabawasan ang kanyang scholars,

0

 

Hindi maikakaila na si Angel Locsin ay kilala sa pagiging matulungin sa kapwa.


Sa katunayan ay isa ang aktres sa mga Heroes of Philantrhopy of Forbes Asia.


Ang pagtulong sa marami lalong lalo na sa mga nangangailangan ay likas na sa Kapamilya star.

Hindi lang mga donation drives ang kanyang pinangungunahan dahil mayroon din siyang mga pinag aaral na scholars.


Karamihan pa sa kanyang mga scholars ay luamlaban din sa såkit na cåncér.

Noong ipinagdiwang ng real life Darna ang kanyang ika-36 na kaarawan ay sinorpresa siya ng kanang malapit na kaibigan na si Angelica Panganiban.



Hindi alam ni Angel a may inihandang party sa kanya ang kanyang mga staff at si Angelica.

Nagsilbing host si Angelica para sa birthday party ng kanyang kaibigan.


At dito nga ay naging parte ng pagbati ang mga scholars ng aktres. Sa video compilation ay ipinahayag ng mga ito ang kanilang taos pusong pasasalamat dahil sa pagtulong sa kanila ni Angel. Dito rin nagbigay ng mensahe ang aktres.



Sa nasabing video, bumati ang mga personal beneficiaries na nasa Cåncêr Warriors Foundation, kasama na din ang mga scholars niya sa Bukidnon.





“Sana marami pa kayong matulungan na mga tao na katulad naming nangangailangan. Salamat sa pagtulong sa amin,” ayon kay Maynard Darang na isang cåncér patient.


Dahil dito, ay hindi na napigilan ni Angel na maiyak dahil nakita nya sa isang video ang kanyang mga tinutulungan na mga bata. Ngunit lalo pa siyang naiyak ng aminin nito na nabawasan na umano ang kanyang mag scholars.





Ayon sa aktres “Actually, nahihiya ako sa kanila, kasi ‘yung mga scholars natin sa Bukidnon, marami sila dati. Simula noong nawalan tayo ng franchise (ng ABS-CBN), hindi ko na mabigyan lahat,” paliwanag ng aktres.




Lubos din naapektuhan si Angel sa pagpapasara sa kanyang mother network. Gayunpaman, hindi pa din tumitigil sa pagtulong ang real life Darna.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment