Sentro ng usapan ngayon ang tinatawag na Poblacion Girl sa iba't ibang social media sites. Ibat't ibang opinyon ang ibinabato sa kanyang ng mga netizens. Ito ay dahil sa hindi niya pag sunod sa mga safety protocols at sa mga naidagdag niyang problema sa bansa.
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi lamang siya ang mananagot sa paglabag na kanyang naugawa. Dahil maging ang kanyang mga magulang ay maari ring makasuhan.
Trending na trending ngayon si "Poblacion Girl" na nagngangalang Gwyneth Anne Chua. Siya ay 38 anyos na umuwi sa Pilipinas na nagmula pa sa Los Angeles, California noong nakaraang December 22, 2021.
Dito sa Pilipinas, pag ang isang tao ay galing sa ibang bansa ay kailangan mong sumunod sa mga quarantine protocols. Kung kaya't kinailangan munang dumaan ni Gwyneth at manatili sa quarantine facility ng ilang araw upang siya ay mamonitor. Kung kaya't inilagay muna siya sa Berjaya Hotel na isa sa mga IATF-accredited quarantine facility.
Sa swab test na ginawa sa kanya, kumpirmadong positibo ang balikbayan sa Omivron V!ruś, ito ay isang variant ng C0r0nav!ruś. Nagpositibo ang ilan sa kasamahan niya sa party na kanyang pinuntahan.
Dahil sa ginawang ito ni Chua ay sinampahan siya ng kaso ng Central Investigation and Detection Goup (CIDG) sa ilalim ng R.A 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Cocern. Kasama narin dito ang Berjaya Hotel kung saan ay dapat siyang manatili ngunit hinayaan lamang siyang makalabas.
Ngunit hindi lamang si Chua at ang hotel ang mananagot sa batas, ayon sa CIDG maging ang mga magulang ni Gwyneth ay makakasuhan rin sapagkat lumalabas sa mga CCTV footage na nakuha na sinundo si Gwyneth ng kanyang ama gamit ang isang SUV paalis ng hotel.
At nakita rin na noong Deceber 25, 2021, na inihatid naman siya ng kanyang ina pabalik ng Berjaya Hotel.
Dahil sa pangyayaring ito na pagsama kay Gwyneth, ay nadawit ang kanyang mga magulang sa kaso.
Narito ang kabuuan ng video.
Source: The Philippine Times