Sa panahon ngayon, nauuso na ang mga delivery service. Kalimitan na pinapadeliver ngayon ay mga pagkain mula sa malalaking fast foodchains.
Dahil sa pangamba ng pandemya naging patok ito dahil marami na ang taong ayaw lumabas o nagtetake na lamang sila upang hindi na manatili sa mga restorant na maraming tao.
Salamat na lamang sa ating magiging na mga magigiting na fastfood crew, cashier, waiter at delivery rider. Dahil sa kanila ang naging posible at madali ang lahat ng ito.
Marami sa kanila ang pinipilit pumasok sa trabaho at sinusuong ang pelígròng nakaabang maitaguyod lang ang pamilya at makapagbigay serbisyo sa madla.
Kailangan ang kanilang pisikal na presensya upang mapaglingkuran ang marami sa atin.
Maraming tao ang talaga namang nagpapasalamat sa kanila sapagkat handa silang magbigay serbisyo at mapadali ang buhay ng kanilang mga customers.
Ngunit sa gitna nga mahirap na sitwasyong ito ay mayroon parin talagang mga taong hindi maiintindihan ang paghihirap ng iba.
Viral ngayon ang isang lalaki na sinisigawan ang isang kawawang kahera ng isangng silat na fastfood chain.
Makikita ang isang lalaki na hindi baba sa 40 anyos ang edad na tila gálít na gálít sa isang kahera ng isang fastfood chain.
Ayon sa video, tila nagkaroon ng problema ang customer at ang kahera dahil sa PWD ID at vaccination card ngunit hindi malinaw kung ano ang pinagsimulan nito.
Kung ano-ano ang sinabi ng lalaki rito na hindi magagandang salita at talaga namang nakakababa ng moral.
Halatang hinding hindi siya magpapatalo sa kahera dahil hindi niya ito hinahayaang magpaliwanag.
Sa tuwing susubukan ng kahera na magsalita at sabihin ang kanyang panig ay mas lumalakas at mas nanggigil pa ang lalaki sa pagsasalita.
Hindi na sumagot ang kawawang kahera, ngunit patuloy parin ang lalaki sa pangmamaliit rito.
Sa comment section, umani nga samu'saring reaksyon ang naturang video mula sa mga netizens.
Narito ang kabuuan ang video:
Source: The Philippine Times