Monday, January 10, 2022

Batang nag-aararo na si Reymark Mariano, nakapagpatayo na ng bahay ngayon!

0

Marahil marami pa sa atin ang nakakaalala pa sa kaawa-awang bata na si Reymark Mariano. Trending syang muli ngayon dahil maganda na ang kanyang buhay.



Noong nakaraang taon, nagtrending si Reymark dahil sa kwento ng kanyang buhay. Marami ang talaga namang nadurng ang puso dahil sa kalagayan niya.


Siya ay sampung taong gulaNg na bata noon na nagtatrabaho para buhayin ang  kanyang pamilya.

Para kumita ng pera ay nag aararo si Reymark sa bukid upang may maipang gastos ang kanilang pamilya sa araw araw na pangangailangan.


Ipinakita ang kanyang istorya sa KMJS, at doon na nga marami ang nakisimpatya sa musmos na bata at bumuhos ang tulong para sa kanya. Marami ang humanga kay Reymark dahil sa taglay niyang kasipagan sa mura niyang edad.



Makalipas ang halos isang taon nasaan na nga kaya ang batang si Reymark at ano na nga kaya ang nangyari sa buhay niya?




Sa ngayon ay balik eskwela na umano ang bata at mayroon na rin siyang sarili niyang bank account.


Dito umano niya iniipon ang lahat ng pera na nakuha niya noon mula sa mga good samaritans na tumulong sa kanya. 



Kinumusta  siya ng programa ni Jessica Soho pagbabahagi ni Reymark. “Every month po may nagpapadala po sa akin ng mga kailangan po sa pag-aaral po.



“Marunong na po ako ng kaunti ng English, magbasa.”

Sa dami ng donasyon na natanggap ng kanilang pamiya ay nakapagpatayo narin ng sariling bahay sila Reymark.


Ibinahagi rin ng bata na hindi na umano siya nag aararo ngayon upang may maipakain sa pamilya.


“Hindi na po ako nag-aararo. Masaya po kasi kung ano gusto ko mabibili ko na po,” masayang kwento ni Reymark.


Mayroon  na rin umano silang tatlong kabayo na katulong na nila ngayon sa kanilang pagsasaka.

Labis labis ang pasasalamat ni Reymark sa programang KMJS, dahil ito umano ang naging daan upang sila ay matulungan.




“Nagpapasalamat po ako kay Ma’am Jessica kundi dahil sa kanya hindi po ako nakaunlad sa hirap. Sa ating mga OFW diyan, salamat po sa nagpadala sa akin ng pera. Promise, pagbubutihin ko po ang aking pag-aaral po.”


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment