Marami ang nagtatanong kung natagpuan na nga daw ba ng singer na si Sheryn Regis ang muling nagpapatibok ng kanyang puso.
Naging trending topic kasi sa Tiktok ang sweet na sweet na video ni Sheryn sa rumored partner niyang si Mel de Guia.
Matatandaang halos 20 years ding nanirahan si Sheryn sa Amerika at nitong nakaraang taon lamang ulit siya bumalik ng Pilipinas.
Sa kanyang pagbabalik ay ibinahagi niya na hiwalay na siya sa kanyang mister sa isang panayam.
Kung kaya't marami ngayon ang nagtatanong kung muli nga bang tumitibok ang puso ni Sheryn. At kung ang nagpapatibok ba rito ay si Mel.
Proud member ng L6BT community si Mel. Isa siyang vlogger sa Youtube na unang nakilalala sa social media sa 'The Ulagas" ito ang Youtube channel nila ng dating kasintahan at model na si Nicole Mendoza.
Hinala ng mga netizens, may relasyon umano and dalawa dahil sa mga sweet videos na inilalabas nila.
Makikita sa video na nauna si Sheryn sa pagsabay sa dub na nagsasabing "Love yourself"
Binigyan ni Mel ng matamis ng halik sa pisngi si Sheryn at saka sila sumayaw nang magkayakap sa saliw ng katang "Mr. Kupido"
Makikita sa mga mata ng dalawa ang labis na kilig.
Napatanong ang mga netizens kung silang dalawa na nga ba talga sapagkat hindi naman nakatag ang singer sa video ni Mel, gunit kumpirmado na si Sheryn umano ang babae sapagkat marami ang nakakakilala rito.
Narito ang kanilang video:
Source: The Philippine Times