Thursday, December 9, 2021

PBA Player na si Scottie Thompson, proud na proud ibinahagi ang kasal nila ng asawang si Jinky Serrano!

0

Sa wakas ay nailabas na ang mga larawan ng kontrobersyal na couple na sina Kinky Serrano at Scottie Thompson.

Nito lamang Hunyo taong kasalukuyan nang maging usap usapan ang hiwalayan nina Scottie at dati niyang fiancé na si Pau Fajardo.

 


Naging maingay ang balitang ito sapagkat umugong ang isyu na nagpakasal na umano ang sikat na basketball player kay Jinky Serrano. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na January 2021 ay nagpropose na ng kasal si Scottie ka Pau.


Kung kaya't hindi makapaniwala ang kanilang mga fans na sa ibang babae biglaang kinasal ang star layer ng Ginebra Kings.

Noong simula ay walang imik si Scottie sa mga isyung naglalabasan laban sa kanya. Ngunit kalaunan ay nagbigay naman ng kanyang pahayag si Pau.

At ngayon nga na ilang buwan na ang nakakaraan, ay lantaran ng inihayag ni Scottie ang pagmamahal sa asawang si Jinky, ngunit tila hindi parin tanggap ng madla ang kanilang relasyon.


Dahil nito lamang ay ibinahagi na ni Scottie ang wedding photos nila ng kanyang misis.

Ibinahagi ni Scottie sa kanyang Instagram post noong November 27 ang nadaramang pagmamahal para sa asawang si Jinky.


“No doubt in my mind that everything happens for a reason. Every single thing, the good and the bad. It leads you to where you’re meant to be. It led me to you. I found my home in your heart” Saad ni Scottie sa kanyang caption kalakip nito ang larawan ng kanilang pre-nup photos.



Kaagad namang umani ng iba't ibang komento ang nasabing post mula sa mga netizens. May mga nagsabi na pag galing daw sa agaw ag isang relasyon ay hindi talaga gad nailalabas sa public.

Dahil nga June pa sila napabalitang ikinasal ngunit ngayon lamang sila naglabas ng kanilang wedding photos.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment