Lovelife ni Allan K, blooming nga ba?
Maingay na pinaguusapan ngayon ang Eat Bulaga mainstay na si Allan K at hunk actor na si Ahron Villena.
Ito ay matapos kumalat ang mga sweet na sweet na larawan ng dalawa.
Tila sinusulit nina Allan K. at Ahron Villena ang Christmas holiday. Dahil kasalukuyang magkasama ngayon and dalawa sa isa sa sikat na beach sa Pilipinas, ang Boracay.
Makikita sa mga larawan na ibibahagi ni Allan sa kanyang Instagram account na kasama rin nila ang ilan sa kanilang mga kaibigan.
Halata sa awra nito ang labis na kasiyahan na muling makapagbakasyon sa labas ng Maynila matapos ang mahigpit na protocols dahil sa pandemya.
Ngunit ang mas pumukaw sa atensyon ng mga netizens ay ang labis na kaligayan na mababakas sa mukha ng komedyante.
Ayon sa mga netizens tila may namumuong pag iibigan sa pagitan ni Allan at Ahron.
Sweet na sweet kasi ang kanilang mga pictures nila. Maging ang co-hosts ni Allan sa noontime show ay napa react sa mga trending na larawan ng dalawa.
Nariyang tila ba nakikipag double date pa ang dalawa dahil magkaharap sila sa hapag kainan habang nagdidinner.
Mayroon ding sweet na sweet na nagtitinginan habang nagsa-sunbathing.
Ibinahagi rin nila ang larawan habang masayang umiinom ng cocktail drinks sa isla.
Kaagad itong umani ng ibat ibang reaksyon mula sa mga netizens at kanialng malalapit na kaibigan.
Narito ang ilan sa mga reaksyon nila
Source: The Philippine Times