Mainit na pinag uusapan ngayon sa social media ang di umano'y pagbubuntis ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto.
Kumakalat ngyon sa Tiktok ang isa umanong video clip na kung saan ay sinasabing buntis umano ang singer-actress.
Sinasabing aksidenteng nahagip ng camera ang teleprompter sa naganao na concert ni Angge sa Metropolitan Theater sa Maynila. Dito ay ipinagdiwang ni Angge ang kanyang ikasampung taon sa industriya.
Mapapansin sa nasabing teleprompter na nahagip ng video ang mga salitang, ‘Angge to share pregnancy journey, pregnancy kit, 1st ultrasound, at lumalaki ang tiyan’
Mapapasin din sa mga larawang kumakalat ng aktres na tila nadagdagan ang timbang nito.
Maraming ring netizens na nakapansin na sa tuwing bumibirit si Angge ay lagi itong nakahawak sa kanyang tiyan na tila mayroon ng baby bump na rin.
Naging maingay rin ang nasabing nalita dahil sa sunod-sunod na cryptic messages at post ni Angge sa social media.
Hindi naman tinago ni Angeline na mayroon siyang non-showbiz boyfriend na hindi na pinangalanan ng singer sa naging panayam ni Karen Davilla sa kanya.
Kahit na maingay na maingay ang isyu nagdadalang tao siya ay wala paring kompirmasyon ang singer hinggil sa mga isyung ito.
Narito ang reaksyon ng ilan sa mga netizens:
Source: The Philippine Times