Hindi napigilang isiwalat ni Albie Casiño ang halaga ng mga bagay, pera at proyekto na nawala sa kanya ng dahil kay Andi Eigenmann.
Matatandaang bago pa lamang pumasok si Albie sa sikat na bahay ni Kuya, ang Pinoy Big Brother House ay naglabas ng kanyang saloobin ang aktor tungkol sa mga hindi magagandang nangyari sa kanila ng dating nobyang si Andi Eigenmann.
Sampung taon na ang nakakalipas mula ngayon ay idinawit ng aktres si Albie na ito umano ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Noong panahong iyon ay papasibol na ang karera ng binata ngunit biglang tumamlay dahil sa nasabig isyu.
Sa isang panayam kaya Albie ng Cinema News noong November 19,2021, ay sinab ng aktor na labis na naapektuhan hindi lamang ang kanyang showbiz career kundi maging ang buhay niya at ng kanyang buong pamilya dahil sa malaking isyung iyon.
Isiniwalat ni Albie na milyon-milyong halaga ng proyekto ang nawala sa kanya noon.
Kwento niya,“How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that?
“And it wasn’t just a P100,000, bro. It’s a million pesos worth of, I guess, damages.
“So how can I be okay with them? Why would I be okay with them?” Dagdag pa ng binata.
Ayon pa sa aktor, malaki ang hinanankit niya sa nangyari noong tatong 2011 sapagkat matapos umano dungisan ang kanyang pangala niya noong mga panahong iyo ay hindi manlang naglabas ng public statement si Andi na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis nito noon.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Source: The Philippine Times