Hindi malimutan ni Shaina Magdayao kung paano siya 'pinagmalupitan" ng kapwa niya artista na si Mon Confiado noong bata pa siya.
Si Mon Confiado ay isang kilalang aktor at magaling gumanap bilang isang magaling na kontrabida.
Sobrang epektibo ng kanyang mga pagganap bilang kontrabida at umabot pa sa puntong nagágálit na ang mga manunuod sa karakter niya.
Ilan sa mga ginawa niyang karakter ay masámáng tatay, malùpìt na tiyuhin, anak, asawa at marami pang iba na sobrang husay ang kanyang naging pag ganap.
Ngunit gayunpaman, may mga roles din siyang ginampanan na mabait siya, pero mas effective parin ang pagiging kontrabida ng aktor.
Isa sa mga nakatrabaho ni Mon ay ang aktres at dating child star na si Shaina Magdayao. Nakaranas umano siya ng 'kalùpìtan ni Mon.
Kung matatandaan ay nagkasama ang dalawa sa isang serye noong 1999 hanggang 2001 na 'Marinella'
Hindi malilimutan ni Shaina ang eksena kung saan ay kinÃdnáp at binùgbòg siya ni Mon na ibinahagi niya sa kanyang Instagram story.
“Dati nung bata ako sa #Marinella, kinikidnap mo ako at binubugbog,” saad ni Shaina.
Sa ‘Maalala Mo Kaya’ ay muling nagkasama ang dalawa, ngayon ay bilang mag-asawa ngunit bugbog pa rin siya dito.
“Ngayon, sa MMK, asawa na kita, pero binubugbog mo pa din ako,” dagdag pa ng dalaga.
Kasama nito ang larawan nilang dalawa, na tila ba mararamdaman mo na ang kaba.
Dahil na rin sa mga posibleng gawin ng karakter ni Mon sa karakter ni Shaina bilang mag asawa.
Kinaaliwan naman ang throwback na ito ni Shaina ng maraming netizens.
Source: The Philippine Times