Tuesday, November 16, 2021

Jennylyn Mercado, umamin sa publiko na gumamit pa ng Tarot cards para malaman kung buntis ba talaga siya.

0

 Hindi maitatanggi na napakaraming pinagdaan ng celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang pregnancy journey.

Ilang linggo pa lamang ang nakakaraan ng sorpresahin ng power couple ang madla at kanilang showbiz friends ng i-reveal nila ang pagbubuntis at engagement nila. Ginawa nila ang reveal sa kanilang Youtube channel.


Ibinahagi ng dalawa na binalak nila mag surrogacy upang magkaanak silang dalawa dahil hirap magbuntis si Jennylyn.


Sa katunayan, nagpunta pa nag Texas, USA ang dalawa upang maghanap ng surrogate mother.

Ngunit hindi dito basta basta natatapos ang lahat sa kanalng pregnancy journey. Dahil hindi nagtagal ay nabiyayaan naman sila na magkaanak sa mismong sinapupunan ni Jennylyn.

Sa part 3 ng kanilang "After All" vlog sa Youtube ay ibinahagi nila ang kanialng mga naging pagsubòk, ibinahagi pa ng dalawa ang iba pang detalye ng kanialng pagbubuntis.


Naikwento ni ng Kapuso actress na napansin umano niya na nag iiba ang kanyang mood at sobrang sensitive nya. May mga pagkakataon pa umano na nag-aaway sila ni Dennis dahil lamang sa maliliit na bagay.

“Naisip ko na parang… parang pamilyar yung pakiramdam. So kinabahan ako nun,” pagbabahagi ng aktres.



Dahil dito ay naisipan niyang gumamit ng Tarot cards sapagkat marunong naman umano siyang magbasa nito.


Sinabi ni Jennylyn na tinanong nya ang mga card kung buntis na daw ba sya ulit.

At ang nabunot nya umanong card ay ang three major cards: The Priestess, The World at The Lovers.

Nang mabunot nya umano ang mga cards na ito ay napagtanto niya na buntis siya. Dito na sya nagpabili ng pregnancy test kay Dennis. At nakumpirma nga na positibong nagdadalang tao siya ng lumabas ang dalawang linya bilang resulta.



Narito ang kabuuan ng video:

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment