Muling naging usap usapan ang naging pahayag noon ng hunk actor na si Aljur Abrenica tungkol sa relasyon nila ng asawang si Kylie Padilla.
Dahil tila na nangyari na ang pinakakinakatakutan ni Aljur na magaya sa ibang showbiz couple na naghiwalay din sa huli.
Matatandaan ang isang naging panayam ng pep.ph noong January 2017 sa noon ay hindi pa kasal na sina Aljur at Kylie. Sweet na sweet ang dalawa habang sinasagot ang mga katanungan sa kanila.
Nagtrending ang nasabing interview dahil sa di umano'y kawalang respeto ng management ni Kylie. Pinangunahan umano ng management ang pagbabalita ng engagement ng dalawa.
Bukod pa rito ay ikinwento rin ni Aljur na matapos nyang magpropose kay Kylie ay sinubukan nilang manirahan sa iisang bubong upang malaman nila kung compatible sila sa isa't isa.
Kaya daw nila ginawa ito dahil ayaw niyang matulad sa ibang showbiz couple na naghiwalay din matapos nilang magpakasal.
“We wanna know kung ano diba, we will get each other ano, eh, along diba. Dahil ayokong magaya sa ibang mga artists, pasintabi sa kanila. Na after a couple of years, after nila ipakasal, naghihiwalay,” Pahayag ni Aljur.
“Naging praktikal lang kami. Tiningnan namin. And then that’s the time na naramdaman ko ulit na kailangan ko mag propose ulit.” dagdag pa niya.
Apat na taon ang nakalipas matapos ang naging pahayag ni Aljur ay tila nag iba ang ihip ng hangin. Dahil ilang buwan pa lamang ang nakakaraan ay kinumpirma ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na hiwalay na ang dalawa dahil sa issue ng pambabae na hindi kayang tiisin ni Kylie.
At mainit na pinag uusapan ngayon na nagkakamabutihan na ang rising star na si AJ Raval at si Aljur.
Kinuyog ng mga komento ng netizens ang nasabing video at marami ang nagsabi na kinain lamang ni Aljur ang kanyang mga sinabi noon.
Dagdag pa ng netizens, hindi napanindigan ng hunk aktor ang kanynag naging mga pangako sa kanyang asawang si Kylie Padilla.
Narito ang nasabing video ng pag amin ni AJ at Aljur.
Source: The Philippine Times