Friday, October 29, 2021

Marco Gumabao, inamin na nagpaalam muna kay Jake Cuenca bago nila gawin ni Kyle ang mga matitinding love scene sa pelikula.

0

 Sinabi ni Marco Gumabao na nagpaalam muna siya kay sa nobyo ni Kylie Versoza na si Jake Cuenca bago ibigay todo ang eksena nila.'

Magiging magkapareha kasi sina Kylie at Marco sa isang pelikula ng Viva Films na 'My Husband, My Lover'


Sa inilabas na trailer ng pelikula ng dalawa, todo bigay na ang mga love scenes ng mga ito at talaga namang mapapalunok na ang mga manonood nito.

Para sa binatang aktor, ito na umano ang pinaka grabeng sé'xy movie na nagawa niya simula ng pumasok siya sa showbiz dahil sa matitinding kissing at love scenes.

Kwento pa ni Marco, dahil sa sensitibong eksena nila ng beauty queen na si Kylie sa movie, ay kinailangan niyang magpasintabi at humingi ng permiso sa boyfriend nitong si Jake Cuenca.


“When I read the script, nagandahan po talaga ako kaagad. Pero at the same time, kinabahan ako kasi very big ang requirements for the character at sa mga eksenang gagawin namin" Saad ni Marco.


“Nagpaalam ako kay Jake. As you all know, kapatid ko si Jake sa Los Bastardos. And even after Los Bastardos, kapatid ko pa rin siya off cam." 

“Minsan lumalabas kami ni Jake with Kylie, ako yung laging third wheel nila.

“I had to ask him for his blessing kasi kahit sabihin nating trabaho lang ‘to, as a gentleman and as a brother to him, tinext ko siya.

“And sabi niya, ‘Bro, you have my blessing. Galingan niyo.’ Sobrang laking tulong sa akin nun, kasi siyempre, sa mga eksena namin, talagang maiinit.


“I needed that go signal from Jake para matodo namin yung mga eksena,” paliwanag ni Marco.

Masaya at ipinagpapasalamat naman ni Kylie na maunawain at supportive ang kaniyang boyfriend at naiintindihan nito ang hinihingi ng mga eksena sa story plot ng kanilang pelikula.



Narito ang pinag uusapang trailer ng nasabing pelikula nina Marco at Kylie.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment