Friday, October 29, 2021

Actual video ng wedding proposal ni Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado, napaluha ang mga netizens!

0
 

Sa wakas at engage na ang long time couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Nitong October 29, 2021 masayang ibinahagi ng dalawa ang kanilang engagement na kanilang mga taga hanga.

Naunang magpost si Jennylyn sa kanyang Instagram account ng mga larawan nila ng kanyang fiancé na si Dennis.

"It's always been a Yes" maikli ngunit madamdaming caption ng kapuso actress sa kanyang post.


Bukod sa mga larawan na kanyang ibinahagi, nag upload din ang soon-to-be bride ng vlog sa kanyang Youtube channel.

Ito ay may pamagat na, 'The Proposal Episode 1 After All: Jennylyn & Dennis.

Sa vlog, makikiita ang actual na proposal ng kapuso actor sa kanyang long time girlfriend.

Sa umpisa ng vlog ay nagkaroon muna ng masinsinang usapan ang dalawa kung saan pareho silang naging emosyonal. Hindi rin nagtagal ay lumuhod din si Dennis at dahan-dahang inilabas ang singsing.

Una nang napabalita ang dalawa na namanhikan na umano si Dennis sa Pamilya ni Jennylyn.


Mas lolo pang umingay ang balita ng lumabas ang mga usap-usapan na buntis na umano ang aktres sa kanilang unang anak ni Dennis Trillo.

Napabalita rin nito lamang  na sinugod sa ospital ang aktres sa kalagitnaan ng taping ng kanyang upcoming project kasama ang bagong kapuso leading man na si Xian Lim.

Kaagad naman naglabas ng statemnet ang manager ng actress-vlogger ngunit hind ito kinumpirma kung ano nga ba ang rason ng kanyang biglaang pagpunta sa hospial.

Samantala, nagdiwang naman ang mga kaibigan at fans ng dalawa.



Congratulations, soon to be Mr. and Mrs. Trillo!

Narito ang actual footage ng proposal.


Narito ang ilan sa reaction ng mga netizens.













Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment