Tuesday, October 5, 2021

Kiray Celis, hinangaan ng marami matapos sorpresahin ng bagong motor ang kuya niyang construction worker.

0

Hindi maitatanggi ang kabaitan ng Kapuso comedian na si Kiray Celis lalong lalo na sa kanyang pamilya.


Sa kanayng pinakahuling vlog, pinakita niya ang kanyang pamamahal sa kanyang kuya at kung gaano siya ka-proud dito kahit na ito ay isag construction worker lamang.


“Isa sa pinaka masipag, pinaka pogi, pinaka mabait na Construction worker ang kuya ko!,” Ito ang pagmamalaking sinabi ni Kiray sa kanyang IG post.


Kasama nito ang larawan nila ng kanyang mga kapatid. Makikita ang magandang ngiti ng kanyang kuya dahil sa natanggap nitong sorpresa mula kay Kiray.

Ayon sa komedyante, matagal na umanong pangarap ng kuya niya na magkaroon ng sarili nitong motorsiklo.


Upang makaipon ng sapat ng pera para makabili ng motor ay hindi muna umano niya niregaluhan ito nung birthday nito.

Si Kiray mismo ang personal na pumunta sa lugar kung saan nagtatrabaho ang kanyang kapatid bilang construction worker. Dito na niya sinorpresa ang kanyang kuya at iniabot ang susi ng  pinakaasam na motorsiklo nito.

Makikita naman sa video na lubos ang saya ng kanyang kapatid ng makita ang napakagandang sorpresa mula sa nakababatang kapatid. Labis rin ang pasasalamat nito kay Kiray.


Dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Kiray sa kanyang pamilya ay umani ito ng paghanga at papuri mula sa netizen. Maging ang kasipagan ng kuya niya bilang construction worker ay hinangaan ng marami.



Narito ang ilan sa mga komento ng netizen.






Narito naman ang kabuuan ng vlog ni Kiray.





Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment