Ibinahagi ng aktres na is Jessy Mendiola na na naranasan na rin niyang ma-offeran ng mga hindi magandang proposal at talaga namang makatanggal dignidad sa kanyang career.
Sa pinakahuling vlog ni Jessy kasama ang asawang si Luis Manzano, nagalaro ang dalawa ng sikat na challenge sa Youtube ang lie detector test challenge.
Sa nasabing challenge, may mga katanungan sila para sa isa't isa at kailangan nila itong sagutin ng Yes or No. Sa oras na hindi sila magsabi ng totoo ay maaring makuryente ang kamay nila.
Naging tanong ng batikang host sa kanyang asawang si Jessy ay kung may namalditahan o nasungitan na ba ito sa showbiz.
Umamin naman ang aktres na minsan ay hindi niya maiwasang maging masungit kapag siya ay nakakaramdam ng pagod at madaming iniisip.
“So medyo parang nagiging hindi masungit, more of like nagiging ano ako, dahil sa sobrang nabu-burnout ako sa trabaho, nagiging masungit ako,” paliwanag ng aktres.
Dagdag pa ni Jessy, na nakatanggap na rin daw siya ng indecent proposal.
“Sabi may isa daw, parang bata pa na businessman or politician yata sa ibang lugar, hindi dito sa Manila. Tapos sabi niya, ‘Tumatanggap ka ba ng ganito? Name your price. Magla-lunch lang daw kayo,” kwento ni Jessy.
Source: The Philippine Times