Nito lamang ay naging usap-usapan sa social media ang pagbubuntis umano ni Herlene Budol o ni Hipon Girl. Ang sinasabing nakabuntis sa host comedienne ay ang batikang host na si Willie Revillame.
Marami ang nagulat sa balitang ito at marami ang hindi makapaniwala.
Sa isang episode nang kayang show na Wowowin, habang on air ito ay agarang sinagot ni Willie ang mga paratang sa kanila ni Hipon Girl na nabuntis nya umano ito.
Habang namimili si Kuya Will ng ng mga panalo sa segment na 'Mukhang Panalo' ay nakita nito ang isang video kung saan ay naka-thumbnail ang mukha ni Hipon Girl.
Biglang pinahinto ni Willie ang pamimili ng panalo at tinuro ang nasabing video.
"Eto si Hipon 'to! Nachichismis ho e nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw!" Paglalahad ni Willie
Matapang na sinabi ni Kuya Will na dapat daw ay mahiya ang gumagawa ng ganitong mga balita. "Fake news" lamang umano ito at dapat hindi na kumakalat ang ganitong mga balita at akusasyon.
"Hindi ho totoo 'yan! Puro fake news ang ginagawa nyo! Pati kay Ms. Kris Aquino!" Dagdag pa nito.
Ipinahanap ni Willie kung sino nga ba ang nagkakalat ng ganitong chismis sa kanila at nais niyang isuplong sa NBI.
Pabiro pang sinabi ng host na "Ano magiging anak namin? Hipon?"
Sa huli ay sinabi ni Willie na huwag na uwag maniniwala sa mga kumakalat na walang basehang balita.
Narito ang reaksyon ng mga netizens sa isyu.
"Kaya nga. Mas mabuti na po Kuya will na nag reveal kapo kasi kanina nakita si hipon kasama si Ryan bang d nmn buntis...ee sa mga chismosa hintayin nyo nlng ang mukbang nila hipon at Ryan bang.Kong buntis na tlaga. Mga loko"
"Ako din hindi ko pinanunuod ang mga vedios na yun o ano nalinawagan nakayong mga nag cocoment na kesyo nasilaw sa pera ni willy si Hipon ahiya kayo no"
"UNG MGA WALA MAGAWA SA BUHAY NA PURO PANINIRA NA WALA NAMAN KATOTOHANAN MAY KARMA YAN DARATING SAINYO...kuya wil saludo ako sayo sa good heart na pagiging matulungin tuloy tuloy lang kuya wil inggit lang yan sayo"
"Hinde Hipon ang naging Anak nyo Sir. Will kunde Kiti kite katulad ng mga tdismosa hinde mpakali ang mga dila nila"