Saturday, July 3, 2021

Aso, naluha matapos bawiån ng buhay dahil nilåson ng mga magnånåkåw

0

 Sabi nga nila ang aso ay maituturing na 'man's bestfriend', dahil narin tapat ang mga ito sa kanilang mga amo. Marami narin ang balita kung saan bida lagi ang ating alagang si bantay. Masasabi rin natin na ang ating mga alagang aso ay bayani sa sarili nilang pamamaraan.


Marami narin ang balitang ibinuwís ng alagang aso ang kanilang buhay upang maprotektahan ang kanilang mga minamahal na amo.


Kagaya na lamang ng aso na ito sa Indonesia.

Ayon sa kwent ng kanyang amo na si Achy Wijaya, isang gabi umano na bigla na lamang hindi tumigil sa pagkahol ang kanyang alagang aso. Tila ba sinasabadya ng asong mag ingay upang siya ay magising at makita kung ano ang nangyayari.


Ngunit hindi umano ito pinansin ni Wijaya. Ang nasa isip nya raw ay baka nakakita lamang ng pusa o ibang hayop kaya ito kumakahol.

Hindi alam ni Wajiya na dahil sa kakatahol ng kanyang alaga ay naitaboy nito ang mga masas*mang  loob na gustong pagnakawan ang kanilang tahanan.



Nang tumigil na sa pagtahol ang kanyang aso ay nakabalik narin si Wahiya sa kanyang pagtulog.

Pag gising niya kinabukasan, laking pagtataka niya na lang na walang sumalubong sa kaniya pag labas niya ng bahay. Nagulat na lamang ito ng matagpuan ang kanyang pinakamamahal na alaga na nakah4ndusay sa sahig at naghih!ngalo habang lumuluha ang mata.



Ayon kay Wijaya, nalaman na lang nila nung lumabas sila ng bahay na ang kanilang aso ay nilas0n ng nagtangkang magnakaw sa kanilang tahanan.

Nais sana nilang dalhin ang aso sa veterinarian ngunit sa kasamaang palad, sarado ang mga ito dahil araw ng Linggo ng maganap ang malungkot na pangyayari.



Sinubukan umano nilang iligtas ang buhay ng kawawang aso tulad ng pagpapainom ng gatas at asukal ngunit hindi na gumana ito.



Masama man sa kanilang kalooban at hindi nila natanggap ang paghihirap na dinanas ng kanilang alaga, noong araw rin na iyon ay binawian ng buhay ang kawawang aso. Kaagad nilang inilibing sa kanilang bakuran ang bayaning alaga. 



Maaaring nawala siya sa kanilang mga piling ngunit ang kanyang mga alaala at ang kabayanihang ginawa niya ay tiyak na maaalala magpakailanman.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment