Ibinunyag ni Toni Gonzaga sa isang vlog niya kasama si Will Dasovich na sa tuwing magkakaroon siya ng talent fee ay palagi niya itong hinahati para sa kapatid na si Alex Gonzaga noong nagsisismula pa lamang siya sa showbiz.
Sinabi niyang kung P1,500 ang kanya ay dapat P1,500 rin ang mapupunta kay Alex.
Sobrang malapit umano nila ni Alex sa isa't isa at palagi nilang ginagawa ang mga bagay bagay ng magkasama.
"We always share kasi before. Yung talent fee ko before alam nya 'yon. Kung P3,000 'yon, P1,500 sa kanyanP1,500 sa akin. Kahit wala siyang ginawa. Ah may ginawa pala siya! She waited outside" Kwento ni Toni.
Ngayon, dahil sobrang succesful na ni Alex, ito na umano ang sumasagot ng gastos sa tuwing may mga travel ang pamilya.
Nagkwento pa ang Multimedia star na si Alex umano ang nagturo sa kanya kung paano mag vlog. Tinuruan din umano siya ni Alex na maging totoo sa kanyang sarili, ito rin marahil ang dahil kung bakit magkaibang magkaiba ang video content ng kanilang kani-kanyang Youtube channels.
Inamin din ni Toni na hindi nya kayang gawin ang mga ginagawa ng kanyang kapatid. dagdag pa niya, noong mga bata pa lamang sila ay palagi silang nagtatalo dahil nais niya itong maging maayos ang pagkilos lalo na pag nakaharap sa maraming tao.
Ngunit ngayon ay proud na proud umano siya sa narating ng kanyang kapatid dahil sa pagpapakatotoo nito.
Narito ang buong video.
Source: The Philippine Times








