Wednesday, July 7, 2021

Robin Padilla, nagbabala kay Aljur Abrenica kaugnay ng pahihiwalay nito at ng kanyang anak na si Kylie Padilla.

0

Inamin ni Robin Padilla na hindi niya pinapakialaman ang hiwalayan ng anak na si Kylie Padilla at asawa nitong si Aljur Abrenica maging ang isyu ng pambabae nito.

Sa isang eksklusibong panayam ni Ogie Diaz sa 51-anyos na action star, kinumpirma nito na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur.

Dahil dito ay kinumpirma ni Ogie kung sino ang nakipaghiwalay, at sinagot naman ito ni Robin na ang kanyang anak ang syang umayaw sa relasyon.

"So si Kylie ang nakipaghiwalay since tinanong mo sya."

"Tinanong ko sya syempre. Ang una kong tanong sa kanya. 'Sinaktan kaba?' 'yan ang una kong tanong" kwento ni Robin.

"Dun lang naman tayo papasok eh pag nasaktan ang anak mo eh. Wala naman mabait din naman si Aljur" Dagdag pa nito.

Ayon kay Robin, walang ibang makakaayos ng gulong ito kung hindi sina Aljur at Kylie lamang. "Walang ibang pwedeng umayos nyan kundi silang dalawa. Kasi makikialam tayo, pipilitin natin yung dalawa."

"Magsasama ngayon yung dalawa dahil sa atin, eh kung magkapisikalan yan. Sino ngayon ang mag aaway pagkatapos nyan? Tayong dalawa lang gusto mo ba akong kaaway?"

"Yun lang naman yun eh. Hindi, kasi ayoko nun. Ayokong maging magkaaway tayo, yun lang naman ang point ko. Kasi sila lang mag aayos nyan 'tol. Ako, cool lang akong tatay eh." Kwento pa ng aktor.

Tinanong naman ni Ogie kung humingi ba ng paumanhin sa kanya si Aljur tungkol sa isyu.

"Ah wala, di na kailangan. Ang baduy nung pare. Magsorry sya kung sinaktan nya ng pisikal kasi iba 'yun. Ha-huntingin kita, Aljur. Wag mong gawin sa anak ko yun."

Sinabi pa ni Robin na kahit minsan ay hindi niya sinaktan o pinagbuhatan ng kamay si Kylie. Ngunit naiintindihan niya si Aljur kung mayroon man itong babae sapagkat normal umano ang mga ganito.

"Di ako naniniwala na may lalaking makakatanggi sa tukso."

Tinanong pa ni Ogie kung humingi ba umano ng tulong ang kanyang anak sa kanya upang kausapin ang partnet nitong si Aljur.

"Ay hindi rin ako papayag pag sinabi ni Kylie. Anong sasabihin ko kay Aljur? 'Bat ka nambabae?'"

"Eh anong sasabihin sakin ni Aljur? 'Bat kayo Pa? Hindi ba kayo nambabae? Ayokong masahot nun. Ayoko, ayoko. Makakahiya ako nun"

Sa huli, sinabi ng action star na hinding hindi siya makikialam sa isyu ng dalawa hanggat hindi pisikal na sinasaktan ang kanyang anak na si Kylie.


Narito ang buong panayam kay Robin.

 

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment