Sa isang bagong video na ibinahagi ni Karen Davilla sa kanyang Youtube channel, sinabi ni Raffy Tulfo na sya ay mahilig uminom ng alak at manigarlyo noon.
Gayunpaman, naisip umano niya na kailangan niyang tigilan ang bisyo sapagkat palahi siyang nakakaramdam ng pananakit ng ulo. Palagi rin umano siyang may nararamdaman na di maganda kung kaya't lagi siyang pumuounta sa doktor.
Napapansin din umano ng kanyang asawa na may amoy siya dahil sa kayang bisyo.
"Uuwi ako ng bahay yung misis ko pinupuna akong mabaho. Sabi ko, this has to stop." Saad ni Raffy
"So one day sabi ko ititigil ko na ito." Dagdag na nito.
Sinabi nyang bagong taon noon sa Amerika ang huling beses na nakatikim siya ng alak at sigarilyo. ng matapos ng salubungin ang bagong taon ay tumigil na siya at susuray-suray na umuwi sa kanilang hotel sa nasabing bansa.
Tinanong naman ni Karen si Raffy kung papayag ba ito kung sakaling may mag alok na mag endorso siya ng sigarilyo. Sumagot naman ang sikat na mamamahayag na kahit bigyan pa umano siya ng 1 billion na talent fee ay hinding hindi siya mageendorso ng ganito.
"No! no f*king way! kahit pa sabihin na 1 billion ang ibibigay saking endorsement fee no way, maging alak hindi rin." Deretsahang sagot nito.
"Para akong tanga na galit na galit ako tapos ineendorso ko?"
Sa huli sinabi nila Karen at Raffy na kung kaya ni Raffy tumigil sa ganitong mga bisyo ay kaya rin ng ibang mga tao basta determinado silang gawin ito.
Narito ang video.Source: The Philippine Times









