Tuesday, July 6, 2021

Kris Bernal, humingi na ng saklolo kay Raffy Tulfo upang ireport ang pagkakailalanlan ng babaeng bumiktima sa kanya ng 23 fake booking!

0

Hindi na nakapagpigil sa galit ang aktres na si Kris Bernal at dinal na nito ang kanyang reklamo sa tanggapan ni Raffy Tulfo.

Matatandaang nagpost si Kris nitong nakaraang Sabado ng gabi sa kanyang Instagram account tungkol sa napakaraming pagkain a maya't maya ay dumarating sa kanyang bahay.

Ito ay diniliver sa kanya ng mga food delivery riders ngunit hindi naman niya ito inorder.

Kwento ng aktres, noong July 3 ng gabi sunod sunod na nagdatingan sa bahay niya ang 23 delivery riders upang ideliver ang mga pagkain gayung wala naman umano silang ino-order.

Dagdag pa ng aktres, nagpakilalang sekretarya niya ang umo-order ng mga pagkain.



Humingi rin ng saklolo ang aktres sa kanaynag mga fans at sa ilang netizens upang maireport ang mga pekeng booking mula sa mga food delivery service.



Pumuta rin sa NBI si Kris upang humingi ng karagdagang tulong upang mahuli ang nasa likod ng fake booking.

Agad na rumesponde ang Grab tungkol sa isyu.



Ayon sa Grab mayroon silang zero tolerance sa mga ganitong panloloko.




Dahil dito ay nagpasalamat ang aktres sa mabilis na pag tugon ng Grab sa kanyang mga reklamo.



Samantala, dumulog na din si Kris sa programa ni Raffy Tulfo upang mabigyan agad ng aksyon ang pangyayaring ito.


Sa kanyang panayam ay napag alaman na hindi lamang pala si Kris ang ginawan ng kalokohan nitong si JenJen Manalo.



Kundi pati na rin ang se’xbomb dancer na si Grace Nera ay nabiktima din nito.

Napag-alaman din na ang tunay na pangalan ni Jenjen Manalo ay Ludelyn Odono. 



Panoorin dito ang kabuuan ng inteview ni Idol Raffy kay Kris Bernal:


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment