Maraming pagsubok ang dinadadanan ng ating buhay sa panahon ngayon, laking pasasalamat na natin sa Diyos kung may desente tayong makakain at makakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw.
Kailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang post ng isang netizen na nagngangalang Earl Archievan Calixtro sa kanyang Facebook account. Ito ay tungkol sa isang lalaki na umorder ng isang cup ng kanin at humingi ng tubig sa isang sikat na fastfood chain sa Pampanga.
Napagalaman na ang kaawa-awang lalaking ito ay nagmula pa sa Tacloban ay bumyahe papunta ng Pampanga. Sabi niya, pumunta raw siya dito upang maghanap ng trabaho.
Ayon sa nagpost, halata umano sa itsura ng lalaki na gutom na gutom at pagod na pagod na ito ng pumasok sa Mcdonalds sa San Fernando Pampanga. Nakita daw niya na ang inorder daw nga kawawang lalaki ay isang tasang kanin lamang at tubig at ito lang ang kanyang kinakain.
Ayon sa post ni Earl " nilapitan ko si tatay tinanong ko kung gusto pa niya ng makakain, OO daw kase nagugutom siya pero kulang ang pera niya. So inorder ko siya ng makakain".
Ang ganitong simpleng pagtutulungan nag sisilbing malaking pag aasa sa iba upang mas maging matatag sa buhay. Nawa ay maging normal na ang mga ganitong gawain ng kabutihan lalong lalo na ngayong panahon ng pändemya.
Source: The Philippine Times





