Noon pa man ay naging usap usapan na sa social media ang binatang si Janryl Tan na nagmula sa Kalibihan Cebu City dahil sa kanyang kahanga hangang kwento na siyang pumukaw sa atensyon ng maraming tao.
Ngayon ay muli nanamang umaani ng papuri ang nasabing binata dahil sa panibagong tagaumpay nitong nakamit na bunga ng kanyang pagsasakripisyo.
Naging viral ang kahanga-hangang kwento ng binatang si Janryl dahil sa nakapagtapos ito ng kolehiyo at nakakuha ng karangalan na Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering. Ito ay nagawa ng binata habang nagtatrabaho siya bilang isang tanod ng baranggay.
Noong maka-graduate and 23-anyos na binata ay agad siyang nagreview upang makakuha ng board exam.
Dahil sa gastos sa pagrereview, pinagsabay muli niya ang kanyang pagtatanod habang naghahanda at nagrereview para sa kanyang exam, katulad na lamang ng ginawa niya noong nag aaral pa lamang kung saan pinagsabay din niya ang pag aaral at pagtatrabaho.
Dahil narin sa kanyang sipag, tiyaga at determinasyon sa kanyang pag aaral, pinalad ang binata at nakapasa siya sa Civil Engineering Board Exam kung kaya naman siya ngayon ay isang ganap ng lisensyadong inhinyero.
Hindi maitatanggi na marami ang namangha sa kwento ni Janryl sapagkat hindi simpleng trabaho ang kanyang pinasok habang siya ay nagaaral dahil ang pagiging tanod ay isang mahirap na gawain.
Sa kabila ng hamon ng isang pagiging tanod ay nagawa pa niyang isabay ang kaniyang pag aaral.
Napakagandang gawing inspirasyon ang ganitong mga kwento ng tagumpay. Dito ay masasabi natin na sa kabila ng kahirapan ng isang tao hindi parin magiging hadlang ang anumang estado nito sa buhay. Basta mangarap lamang tayo at huwag sumuko sa pagsubok ng buhay tiyak na ginhawa ang ating makakamit.
Narito ang video.
Source: The Philippine Times









