Sunday, July 4, 2021

John lloyd Cruz at Katrina Halili, masayang masayang nagbonding sa resort ng aktor!

0

Hindi na maipagkakaila ang pagiging abala ng award winnig actor na si John Lloyd Cruz sa kanyang television comeback. Mahigit tatlong taon narin ng huling makita si  John Lloyd sa mainstream media.

Dahil dito ay marami sa kanyang mga fans ang talaga namang miss na miss siya at nakaabang sa kanyang pagbabalik. Lalo na sa mga gagawin niyang proyekto sa kanyang bagong network ang GMA 7.

Kahit na sobrang busy, hindi parin nawawalan ng oras si JLC parang mag unwind.

 Kamakailan lamang ay namataas si ang aktor sa kanyang resthouse sa Batangas. Inimbitahan rin niya ang kanyang mga kaibigan sa showbiz ngunit may isang kasama si Lloydie na talaga namang pumukaw sa atensyon ng netizens. Ito ay walang iba kundi ang aktres na si Katrina Halili.

Maraming kumakalat na mga larawan sa social media kung saan makikitang madalas na magkasama si Katrina at John Lloyd. Makikita rin sa ilang mga larawan na tila masayang masaya si Katrina, senyales na tila ba maganda ang nagiging usapan nila ng aktor. Dahil dito hindi maiwasan ng kanilang mga fans na mapaisip kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila.

Marami ang usap-usapan na mukhang si Katrina na umano ang susunod na magpapatibok sa puso ng aktor matapos ang relasyon nito kay Ellen Adarna.

Ngunit ayon sa isang trusted source, wala raw namamagitan sa kanilang dalawa. Ang tanging dahilan lamang ng kanilag pagkakalapit ay dahil tinulungan ng aktres na bumili ng lupa si John Lloyd sa Palawan.

"Dalawang malaking cut ng lote ang nabili ni John Lloyd kay Katrina, hindi ko alam kung ilang square meters pero tantiya ko, aabot siguro 'yun ng 20 million." Nagpatayo ng glass house sa itaas ng bundok sa El Nido si John Lloyd, malaki ang property nya 'ron. Patapos na yung main house" Kwento ng isang trusted informant sa isang panayam.

Nakasama ni John Lloyd sa kanyang quick getaway ang kanyang malalapit na kaibigan sa industriya. Kabilang sa mga ito ay si Maja Salvador, Mimi Juareza, Wilma Doesn't at iba pa.


Narito ang video.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment