Tila ba kinumpirma na nila ang kanilang relasyon. Maingay ngayon sa social media ang balitang relasyon umano ng kapamilya stars na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.
Kumakalat ngayon ang larawan ng dalawa na mukhang ipinakilala na ni Heaven ang kanyang rumored boyfriend sa kanyang pamilya.
Matatandaang nito lamang ay napabalita ang break up ni Kiko sa kanyang long time girlfriend na si Devon Seron. Noon pa man ay umugong na ang balita na third party umano ang dahilan ng break up ng dalawa.
Nadawit ang pangalan ni Heaven sa isyu dahil magkatrabaho sina Kiko at Heaven sa isang ABS-CBN series noong panahong naghiwalay sina Kiko at Devon.
Kaagad namang pinabulaanan nina Kiko at Heaven ang mga akusasyon sa kanila at sinabing walang namamagitan sa kanila. Sa isang interview nilinaw pa ni Heaven na wala siyang kinalaman sa hiwalayan nila Devon at Kiko. Ngunit sabi nga ni Bea Alonzo na minsan naring naloko, 'time is the ultimate truth teller.'
Dahil ilang buwan lamang matapos ang hiwalayan nina Devon at Kiko, kumakalat naman sa social media ang larawan nina Heaven at Kiko ng magkasama.
Makikita sa larawan na close na close ang dalawa at maging ang pamilya ng aktres ay botong boto sa aktor. Kung kaya naman iba't ibang opinyon ang lumutang, marami ang nagsabing kumpirmadong may relasyon ang dalawa.
Source: The Philippine Times