Lahat tayo mayroong kanya kanyang obligasyon na dapat gampanan, mas nadadagdagan ito habang lumilipas ang panahon at tayo ay tumatanda. Ngunit iba ang sitwasyon ng batang ito.
Walong taong gulang pa lamang siya ngunit naka atang na sa kanyang balikat ang obligasyon ng pag aalaga ng kanyang mga kapatid at inang may sakit.
Kinilalang si Jenny Barobo ang batang babaeng ito. Matayagang inaalagaan ni Jenny ang kanyang may sakit na ina at kanyang maliliit na kapatid. Wala umanong pwedeng asahan ang pamiya kundi si Jenny lamang sapagkat ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa laot.
Kwento ni Jenny siya rin umano ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay tulad ng pawawalis, paghuhugas at pagpapaligo sa kanyang mga kapatid. Dagdag pa ng bata masaya naman umano siya sa kanyang ginagawang pagaalaga sa kanyang buong pamilya kahit na mahirap ang kanilang sitwasyon. Para kay Jenny malaking tulong ito para sa kanilang magulang at masaya siya na nakakatulong siya sa mga ito.
"Nahihirapan din po. Masaya ako na natutulungan ko si Mama" pahayag ni Jenny.
Mangiyak ngiyak ang na sinabi pa ng bata na, "Ang gusto ko lang sabihin ay magpagaling at ingatan ang sarili, para kami naman ang alagaan niya."
Sa makatuwid ang tanging hiling lang ng batang si Jenny ay ang gumaling ang kanyang ina upang maramdamn naman niya ang pagaalaga ng kanyang mahal an ina.
Kakaiba ang pinamalas na kabaitan ni Jenny dahil kahit na sa murang edad ay alm na niya ang kanyang mga obligasyon at kung paano niya matutulungan ang kanyang pamilya.
Sana maraming tao ang maging inspirasyon ang batang si Jenny at kapulutan siya ng aral. Lalong lalo na sa mga batang naalagaan ng kanilang magulang na kahit papaano'y tumulong sa gawaing bahay dahil napakalaking bagay nito para sa kanilang mga magulang.
Narito ang video;
Source: The Philippine Times