Para sa isang magulang, napakasakit at mahirap tanggapin kung mawawalan ka ng katuwang sa buhay lalong lalo na kung ang mawawala sa iyong piling ay ang iyong pinakamamahal na asawa. Ngunit wala na yatang mas sasakit pa kung makikita o ang iyong supling na musmos at tila wala pang alam sa mga nangyayari.
Dalawang taon palang ang batang babae ng pumänäw ang kanyang ama. Noong una ay inakala ng mga taong nag aalaga sa bata na hindi nito naiintindihan ang nangyari at ang akala lamang nito ay natutulog lang ag kanyang ama. Ngunit hindi nagtagal ay unti-unting nauunawaan na pala ng bata na wala na ang kanyang pinakamamahal na ama at kailan man ay hinding hindi na ito babalik sa kanya.
Noong huling araw ng burol nito at paghatid sa huling hantungan ay hindi na naiwasan ng pamilya na magiyakan, iyon narin ang simula ng pag iyak ng bata habang sinasabi ang salitang "Daddy." Ito ang paulit ulit na sinsambit ng bata habang tinatahak ng mag ina ang daan patungo sa himlayan ng kanilang padre de pamilya.
Isa sa malalapit na kaaganak ng mag ina ang kumuha ng video at iniupload ito sa facebook account nila upang maging isa sa mga ala-ala ng bata. Ngunit hindi akalain ng nag upload na kamag anak na marami ang makakapanood at maantig sa nakitang pagdadalamhati ng bata.
Saad ng maraming netizen, ang talaga namang hindi napigilan ang luha at hindi kinaya ang tagpong kanilang napanood.
Narito naman ang reaksyon ng mga netizen na talaga naman nahabag sa sinapit ng bata.
"Masakit tlga mawalan ng tatay. Ako nga din 14 yrs ng wala si papa ramdam ko pa din yung sakit sa pakiramdam lalot na si papa lang talaga nagpapahalaga sa akin at nagmahal, sa kanya ko lang naramdaman ng pagmamahal ng magulang kaya mahirap parin tanggapin na kailan man di mo na sya mayayakap at makakasama nung nawala si papa gusto q na din magpakamatay pero di ako mapataypatay kahit uminom na ako ng lason at magpasagasa ..kaya hanggang ngaun nararamdaman ko pa din ang pangungulila"
"Sobrang sakit mawalan ng isang dakilang ama sobra ibang iba sya kung ikukumpara Mu sa iba dahil sya yung taong masayang msya na nilabas ka sa mundong ibabaw kaya masakit din sobra saknya n iwan o lisanin nia ang kanyang pamilya pakatatag kna LNG po ate at sa baby mu."
Source: The Philippine Times






