Monday, July 26, 2021

102 anyos na lolo, walang pagod na nagtitinda at nagbubuhat ng duyan.

0

Lahat tayo ay nangangarap na sa oras ng ating pagtanda ay magiging maginhawa ang ating buhay. Mamamahinga na lamang o di kaya'y papasyal sa mga magagandang lugar, nang sa ganon bago pa man duating ang takip silim ng atin buhay ay masasabi nating naging masaya ang mga huling sandali ng ating buhay.

Ngunit hindi lahat ay pinalad na maranasan ang ganitong uri ng ginhawa. Tulad na lamang ni Lolo Tony Villanueva na 102-anyos na. Sa kabila ng kanyang edad ay naghahanapbuhay parin siya upang may maitulong at maipakain sa kanyang pamilya. Ayaw umano nitong maging pabigat sa kanyang mga kaanak kung kaya't mas pinili nito na magtrabaho upang may maitustos sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Pinatunayan ng kaawa-awang si lolo Tony na hindi magiging hadlang sa kanya ang kanyang edad para makaghanap buhay at maging masipag at matyaga.

Nagmula pa sa probinsya ng Leyte si lolo Tony. Mababakas sa mukha ng matanda na pursigido itong magtrabaho upang kumita ng marangal. Ang paglalako ng duyan ang pangunahing pinagkukunan niya ng kabuhayan. Iniikot-ikot niya ito sa mga buong baranggay sa Rizal na hindi inaalintana ang pagod at init na nararamdaman habang naglalakad dahil mas mahalaga sa matanda ang makapag uwi ng pera upang may maipakain sa pamilya.

Sinabi ng matanda ang kanyang sikreto sa kanyang malakas na pangangatawan sa kabila ng kanyang edad. Aniya gulay at isda lang ang kanyang kinakain at hindi siya kumakain ng karne o ano mang pagkain na may halosng betsin.


Ibinahagi ng isang netizen ang istoryang ito ni lolo Tony sa kanyang facebook post, siya si Rhodz Jimenez Casio-Salili. Hiniling ni Rhodz na sana ay makarating ang kalagayan ng matanda sa LGU o Local Government Unit upang mabigyan ng benepisyo dahil sa kanyang edad.

Ito ang kabuuan ng kaniyang post:





Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment