Thursday, June 24, 2021

Vice Ganda, may nakakagulat na inamin tungkol sa relasyon nila ni Ion Perez!

0

Si Vice Ganda ay nakilala sa mundo ng komedya. Nagsimula ang kanyang career sa mga comedy bars at ibat ibang guestings sa TV. Dahil dito ay talaga namang nahasa ang ang kanyang talento at nagkaroon ng maraming kaibigan sa showbiz.

Di naglaon ay napasama siya sa mga host ng It's showtime kung saan talagang naging patok ang kanyang mga hirit at lahging trending ang lahat ng kanyang mga pauso.

Dito rin niya nakilala ang nagpatibok ng kanyang puso na ngayon ay tatlong taong kasintahan na niya na si Benigno Dungo Perez o mas kilala bilang si Kuya Escort Ion Perez.

Sa isang panayam ni Ogie Diaz sa kaibigan at dating alaga na si Vice ganda, nagkwento si Vice tungkol sa mga pinadaanan nila ni Ion bilang magkasintahan.


Sinabi ni Vice na pag nasa bahay sila ng kasintahang si Ion ay hindi sila magdalas mag usap. "Tanggap na nya yun, na ang laki ng bahagi ng puso ko ang nasa trabaho."

Sinundan naman ni Ogie ng tanong na, "Masaya naman ang puso mo?" "Ay oo, ang saya ng puso ko, masaya kami ni Ion. Masaya ako sa relationship namin" Kaagad na sagot ni Vice.


Dagdag pa ni Vice na hindi nya alam kung gaanong kalungkot ang buhay nya ngayon kung wala si Ion sa buhay nya. Si Ion umano ang nagpapakalma ng buhay nya ngayon.

"Dati diba? Gabi gabi nga rampa ako ng rampa? So tinalikuran ko yun! Pati paninigarilyo ko tinalikuran ko, pag inom hindi na rin ako umiinom. Hindi narin ako gumgimik." Paliwanag ng Kapamilya star.

"Kasi si Ion lang sapat na, totoo 'yon!" Dagdag pa nito.

Ayon pa kay Vice na kuntento na umano siya na habang nagtatrabaho siya at makita lang niya si Ion ay nagiging okay na siya.

Tinanong naman si Ogie sa kaibigan kung sino ang seloso sa kanilang dalawa. Sinagot naman ito ni Vice na mas seloso umano ang kanyang nobyo.

"Na-upset ko na siya ng isang beses, nakita ko kung paano nya hinarap yun at hindi ko nagustuhan. Kaya sabi ko hindi na mauulit 'yan" Kwento ni Vice.

Bukod sa selos ay naramdaman din umano ng nobyo niya na tri-naydor nya ito dahil pakiramdam umano ni Ion na mayroon siyang ginawa ngunit hindi niya sinabi rito.

Kaya daw wala daw siyang sikreto na itinatago sa kanyang kasintahan dahil ganun umano ang gusto ni Ion. Maging ang mga dating relasyon nilang dalawa ay alam ng isa't isa.

Naikwento rin ni Vice kung bakit siya napunta ng Tarlac noon. Iyon umano ang pinaka malaking pinagdaanan nilang dalawa ni Ion.


"Para umabot ako sa ganon. Ibig sabihin napakahalaga mo sakin" Saad ni Vice. Sibnabi pa ni Vice na kaya siya pumunta sa Tarlac noon ay dahil deserve ni Ion malaman ang katotohanan. Isinama pa nya ang kanyang ate at nanay upang maniwala si Ion sa totoong nangyari. 

Sa huli ay nagkaayos rin daw silang dalawa bago pa man makausap ni Ion ang nanay at ate ni Vice.

Ipinamalaki rin ni Vice ang kasintahan dahil sa lahat umano ng na-link sa kanya ay si Ion lang may may lakas ng loob na ilantad ang kanilang relasyon. "Yung iba may looks, may name, Sya lang yung may balls."

Mababakas sa mga ngiti at kwento ni Vice na talagang masaya siya sa estado ng buhay nya kasama ang kanyang nobyong si Ion.

Narito ang video ng buong interview.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment