Sa panahon ngayon, uso na sa mga vloggers ang magsagawa ng social experiement at ito ang kanilang gagawing 'content' o video na ia-upload sa kanilang Youtube channel.
Ngunit may ilan sa mga social experiement na ito ang nakakabahala at kadalasan ay hindi na tama upang makahimok lang ng mga manonood sa kanilang channel.
Ilan sa mga nakakabahalang experiment ay ang video na ibinahagi ni Jose Hallorina. Umani ang bidyong ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens dahil sa sensitibong tema.
Sa video, makikitang kinausap ni Hallorina ang isang matandang tindero. Ang tinderong ito ay nagtitinda ng iba't ibang klase ng gulay sa bangketa. Dito ay kinausa na siya ng vlogger upang mas makilala pa niya ito.
Nalaman niyang ang pangalan ng matanda ay Tatay Danilo, na ang tanging kabuhayan ay ang pagtitinda sa ng mga gulay sa bangketa.
Ayon kay Tatay Danilo inaabot siya ng 16 oras sa pagtitinda ng gulay sa lansangan upang mabuhay. Iki-nwento rin ng matanda na habang kinakausap siya ng vlogger ay sobrang antok na antok na umano siya dahil sa pagod sapagkat nagtatrabaho rin siya sa gabi.
Ilang sandali lamang ang nakakaraan ay biglang may itinanong si Hallorina sa matanda na talaga namang hindi kaaya aya.
Sinabi ng vlogger na bibigyan nya ang tindero ng P3,000 kung hahalikan nito ang kanyang paa. Nabigla ang matanda ng marining ang alok ng vlogger. Ipi-nwesto ni Hallorina ang kanyang paa malapit sa mukha ng nito at sinabing muli ang alok na pera dito.
Sa umpisa ay nag aatubiling gawin ng matanda ang pinapagawa ni Hallorina. Ngunit matapos ang ilang sandali ng pagiisip. Napagdesisyunan niyang subukan ang pinapagawa sa kanya ng vlogger dahil mas mahalaga ang pera kumpara sa maliit na bagay na hinihiling ng nito.
Nung hahalikan na niya ang paa ng vlogger ay bigla siya nitong pinahinto. Hindi na napigilan ni Hallorina ang maawa sa sitwasyon ng matanda na kayang gawin ang bagay na iyon para sa pera.
Agad namang ipinaliwanag ng vlogger na isa lamang social experiment ang kanyang pinagagawa rito. Humingi siya ng paumanhin at ibinigay na ang tatlong libong piso kay Tatay Danilo.
Dinoble pa ni Jose ang halaga ng perang kanyang ibibigay upang makauwi na ang matanda at makapagpahinga.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens.
Panoorin ang kabuuan ng social experiment.
Source: The Philippine Times
















