Monday, June 14, 2021

Ogie Alcasid, proud na ibinahagi ang mukha ng misis na si Regine na walang make up at bagong gising!

0

Ang susi sa maganda at aayos na pagsasama ay ang pagrespeto at hindi pag kupas sa pagtingin sa isa't isa.


 Kahit ilang taon na ang inyon relasyon ay dapat araw araw paring pinapakita ang panunuyo at pagmamahal sa iyon partner upang mapanatili ang buhay at masayang pagsasama.

Ito ang isa sa mga sikreto ng celebrity couple na sila Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Para sa kanilang mga tagahanga sa social media at telebisyon masasabing power couple ang dalawa sa showbiz industry. Matatandaang matagal ng magkasama sa iba't ibang shows sila Ogie at Regine bago pa man sila umamin sa kanilang relasyon at ikasal.

Nagsimula ang kanilang pag iibigan ilang dekada na ang nakakaraan bilang magkatrabaho hangang naging malapit silang magkaibigan. Hindi nagtagal ay naging magkasintahan at tuluyang nagpakasal.

Sa ngayon ay mayroon na silang isang anak na si Nate.

Kahit matagal na ang relasyon ng dalawa, Hindi parin talaga maitatanggi ang romance at kasweetan nila sa isa't isa. Sa katunayan, patuloy paring pinapakilig ng OPM icon ang kanyang misis. 

Ito ang kailang sikreto ng matatag at masayang pagsasama sa loob ng maraming taon.


Kamakailan lang ay nag viral sa social media ang napaka sweet na post ni Ogie. Ibinahagi ng OPM singer-songwriter sa kanyang instagram post na kinikilig parin siya sa tuwing nakikita ang kanyang asawa. Kung kaya't kahit bagong gising ang songbird ay gandang ganda parin siya rito.

Sa video na ibinahagi ni Ogie, makikitang tila ba kakagising lang ni Regine at wala itong suot na make-up. Ngunit kahit na ganun ay nais parin ni Ogie na i-flex ang ganda ng kanyang asawa.

"Flex ko lang itong nakilala ko. Lord plese help me. Guys, showta ko pohs. Nainlab akesh guysh." Nakakatawang caption ni Ogie.



Samantala, marami namang netizen ang kinilig sa post ni Ogie na ito. Maging ang kanilang mga kasama sa howbiz ay hindi rin maitago ang kilig sa kanilang dalawa. 

Talagang hindi maitatanggi ang na napaka swerte nilang dalawa sa isa't isa. Dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay nananatiling sweet ang dalawa at hindi nawawala ang kilig sa kanilang pagsasama.

 



Narito ang kabuuan ng vlog ni Ogie:

 

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment