Isa si Nicomaine Dei Capili Mendoza o mas kilala bilang Maine Mendoza o Yayadub bilang isa sa pinaka hinahangaang young celebrity ngayon.
Kahit na hindi pa ganun katagal ang kanyang karera sa industriya ay masasabi natin na matagumpay ang kanyang career.
Nagsimula ang pagsikat ni Maine dahil sa isang video sharing flatform na 'dubsmash'. Kinaaliwan ito ng mga tao kung kayang madalas mag trending ang kanyang m ga video noon. Hindi nagtagal ay naging guest siya sasa noontime show na Eat Bulaga!
Simula noong taong 2015 ay hindi na napigilan ang pagsikat ni Maine, lalo pa ng mabuo ang kanilang love team ni Alden Richards ang 'AlDub'.
Marami ang kinilig at natuwa sa tambalan nilang ito sa noontime show. Hindi naglaon ay nagkaroon silang dalawa proyekto tulad ng pelikula, television series, commercials at international concerts.
Sa ngayon, buwag na ang loveteam ng dalawa. Sa kabila nito ay patuloy parin ang suporta ng mga fans kay Maine. Patuloy ang pagsubaybay ng mga ito sa career ni Maine.
Dahil dito ay patuloy ang pag lago ng yaman ng 26-anyos na aktres. Sa katunayan, isa ang Phenomenal star sa maituturing na richest young celebrities ngayon.
Bago pa man umusbong ang karera ni Maine ay talaga namang mayaman na kanyang pamilya. Nakapag aral pa siya noon ng kanyang culinary course sa ibang bansa.
At dahil sa kanyang magandang career ay kaagad din siyang nakpunda ng kanyang ari-arian at negosyo, tulad ng isa sa pinaka sikat na fastfood chain sa mundo na Mcdonalds at mga gasoline stations.
Bukod sa pagiging endorser nito, naging franchise owner din siya ng ng naturang fastfood branch. Tinatayang humigit kumulang 600 milyon ang kanyang net worth sa ngayon at inaasahang lalago pa ito dahil sa mga proyektong naka line up para sa kanya.
Naging isang top regional taxpayer ang young actress noon. Dahil indemand si Maine sa showbiz industry, malaki ang kanyang nakukuhang talent fee ngunit responsable parin siyang mamamayan at nagbabayad ng tamang buwis at tumutulong sa mga nangangailang sa pamamagitan ng pagdodonate sa charities.
Narito ang video:
Source: The Philippine Times











