Saturday, June 5, 2021

Jelai Andres, desidido nang ipawalang bisa ang kanilang kasal ni Jon Gutierrez!

0

 Nagdesisyon na ang actress-vlogger na si Jelai Andres na ipawalang bisa ag kasal nito sa Ex Battalion member na si Jon Gutierrez.


Sa pinaka huling balita, nagsampa ng legal complaint ang actress laban sa kanyang asawang rapper.

Nagsampa si Jelai ng reklamong concubinage laban sa asawang si Jon sa Depart meny of Justice o DOJ.

Ito’y karagdagang kaso sa isinampang demanda ng Kapuso actress at vlogger laban kay Jon na may koneksyon sa paglabag nito sa R.A. 9262, o V!0lence Against Women And Children (VAWC) Act.

Bukod pa dito, dawit din ang dalawang personalidad na hindi na pinangalanan ng aktres para sa kaligtasan ng mga ito.


Sinabi ni Jelai na kinailangan nya itong gawin upang mabigyan ng nararapat na proteksyon ang kanyang sarili at upang maipaglanban ang kanyang karapatan. Ginawa rin umano nya ito upang hindi tapaktapakan ang kanyang pagkatao bilang isang babae.


“I realized that we need to learn how to stand up and fight for our rights para makakuha ng justice."


“Hopefully, people will learn sa mga nangyari, lalo na yung mga taong hindi marunong mag-respect sa sanctity ng marriage,” saad ni Jelai sa isang panayam.


Sinabi  pa niya, “We all know na yung pakikiapid ay nasa utos ng Diyos na kasalanan talaga siya.”

“At sa batas ng tao ay krim3n talaga siya.”


Sinabi rin ni Jelai na mayroon umano siyang pinanghahawakang mga ebidensya na magpapatunay sa mga hindi magandang ginawa ni Jon sa kanya.


Matatandaang nagtreding kamakilan lamang ang relasyon ng mag asawa dahil napabalitang nambabae muli si Jon. Ibinili umano ito ng rapper ng sariling condo at Iphone na labis na ikinagalit ni Jelai.

Kung kaya idinagdag ang concubinage sa kanilang reklamo.


Ayon naman sa legal counsel ni Jelai na si Atty. Faye Singson tungkol sa kaso, “Aside kay Jon, meron pa kaming dalawang isinali.

“Pero at this point, dahil nag-submit na kami ng formal complaint, we just leave it to the parties to receive for proper documentation para sila naman mabigyan ng chance na sagutin,” aniya pa.

Sa ngayon, inaayos na ni Jelai ang annulment nila ni Jon.

Narito ang kabuuan ng video.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment