Wednesday, June 23, 2021

Domestic helper sa Saudi Arabia, pinauwi ng amo dahil hindi marunong magsalita ng wikang ingles!

0

Kilala tayong mga Pinoy bilang isang masipag at maasahang manggagawa. Hinahangaan rin tayo dahil halos lahat ng Pilipino ang marunong mag salita ng wikang ingles. 


Masasabi nating ito ang advantage ng mga Pinoy kung kayat marami sa mga ahensya ang nais mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino at ipadala sila sa iba't ibang bansa upang maging domestic worker.

Ngunit hindi lahat ng ating mga kababayan ay nagagamit ang ganitong advantage. May mga kababayan tayo na kahit hirap na hirap sa pag intindi at pagsasalita ng wikang ingles ay nakakuha parin ng trabaho sa ibang bansa upang may maitulong sa kanyang pamilya.

Kamakailan lamang, ang isang Pinay na domestic helper sa Jeddah, Saudi Arabia ang pinauwi ng kanyang amo dahil hindi umano nila naiintindihan ang isa't isa. Ang nasabing Pilipina ay inaming hindi umano siya nakakaintindi ng wikang ingles.

“Hindi po ako marunong, ni isa po, pag sinasabihan ako ng how are you hindi ko rin po alam ang isasagot. Yuko na lang po ako,” Kwento ng Pinay na pinauwi.


Ibinahagi rin ng babae na Grade 2 lamang ang kanyang natapos dahil sa kahirapan ng buhay. Nagkaroon rin siya ng live-in partner noong siyang 15-anyos pa lamang, ngunit nakakulong umano ito ngayon.

Dagdag pa niya, nag apply siya bilang isang dometic helper kahit na hindi niya alam kung paano mag salita at umintindi ng wikang ingles. Kalaunan ay ibinunyag din ng dating OFW na ang recruiter mismo ang umayos ng kanyang mga papeles at ang tanging ginawa lamang nya umano ay pumirma sa mga dokumento.



Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens.

Ibinahagi nila ang iba't ibang karanasan ng mga OFW sa pinas at nagbigay din ng mga tips kung kailan ka dapat magtrabaho sa ibang bansa.


Sinabi rin ng ilang netizen na hindi na masyadong tinignan ng ahensya ang kapasidad ng babae bago papuntahin sa ibang bansa dahil nais lang ng mga ito na kumita ng pera at wala ng pakialam sa mangyayari sa babae.










Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment