Friday, June 18, 2021

Anak ng pedicab driver, pinahanga ang lahat ng magtapos bilang isang Magna Cum Laude sa kabila ng kahirapan!

0


Ayon sa matandang kasabihan, "pag may tyaga may nilaga." Kapag ang isang tao ay nangarap at sinamahan ng pagpupursige, matinding diskarte at dedikasyon, walang kahit na anong makakahadlang upang maisakatuparan niya ang lahat ng kanyang pangarap sa buhay, maging ang kahirapan man ito ng kanilang buhay.


Sa likod ng tagumpay na ito ay ang ating mga magulang na talaga namang walang sawang sumusuporta sa atin at labis ang kaligayahan sa ano mang tagumapay na ating nakamit.



Isa sa magandang halimbawa nit ay ang pagsisiskap ni Sandra Estefani Ramos na matagumpay na nakatapos sa kolehiyo bilang isang Magna Cum Laude. Si Sandra ay may kursong Bachelor in Secondary Education Sa Bicol State of Applied Sciece and Technology.

Dahil sa pagpupursige at hirap ng kanyang pedicab driver na ama na igapang ang kanyang pag aaral at kanyang pagsususmikap upang makatapos sa kanyang kurso, nakatapos si Sandra na mayroong nakuha mataas na karangalan.



Hindi naman itinatanggi ng aktres na kumpara sa kanya, ay marami pang mas magagaling at matatalino. Ngunit dahil narin sa kanyang dedikasyon at nakikitang paghihirap ng kanyang ama ay nagpursige siyang matapos ang kanyang pag aaral.


“Until now, I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are others students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reasons why I became Magna Cum Laude”, Pahayag ni Sandra sa kanyang panayam.

Ayon naman sa ina ni Sandra, ang asawa niyang si Mang Renato sa kabila ng marami nilang gastusin sa araw-araw ay talaga namang binibigyang prayoridad ang mga gastusin ng kanilang anak sa pag-aaral nito, lalo na nga pagdating sa pamasahe nito at mga gagawing proyekto sa paaralan.


Si Sandra naman ay inilalarawan ng isa sa mga School Associate Professor at kanyang isang Professor na isang simple at mapagkumbaba na dalaga at isa sa mga estudyante nila na nakaranas ng napakarming pagsubok ngunit sa kabila nito ay nanatili ang katatagan kaya naman ngayon ay naging matagumpay.


Narito ang video:

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment